13 Bagay Na Pwede Mo Palang Gawin sa Taiwan Para sa Bukod-Tanging Bakasyon

Sa sunod na pagbisita mo sa Taiwan, iwan mo na ang guidebooks. Maliban sa mga sikat na atraksyon, marami pang kakaibang gawain at di inaahasang aktibidades ang maaari mong maranasan–mula  sa pagtalon sa mga talon at paglalangoy sa mga natural na pools hanggang sa paglalakbay sa mga kabigha-bighaning daan, pagmamasid sa kalangitan, at pati pagpapabasa ng iyong kapalaran sa manghuhula.

Kalimutan mo na ang mga paulit-ulit na travel tips na nababasa mo tungkol sa Taiwan, tulad ng pagkain ng walang sawa sa Shilin Night Market o pagbisita sa Taipei 101. Subukan mo naman ang mga gawaing nasa listahang ito sa sunod mong pagbisita kung gusto mo nang mas astig na bakasyon. At kung wala pa sa isip mong bisitahin ang bansang ‘to, baka magbago ang isip mo pagkatapos ‘tong mabasa.

Tinatamad magbasa? Panoorin mo nalang ito:

 

1. Mag-snorkel sa malinaw na dagat ng Bai Shaw Wan,

Kilala ang bilang popular na destinasyon sa Taiwan para sa  mga naghahanap ng tropical retreat. Matatagpuan ang sa timog na bahagi ng bansa, at makikita dito ang ilang mga beach tulad ng Beach at Nanwan Beach. Pero sinong may gustong magbakasyon sa beach na punong-puno na ng tao?

Ang Bai Sha Wan ay hindi kasikatang beach sa , at malayo ito sa matao at maingay na Town. Tingnan mo na lamang ang larawan na ito ng Bai Sha Wan na walang katao-tao o kahit isang nakaharang na turista.

Basahin din ito: A Filipino Traveller’s Guide to Visiting Taiwan for the First Time

Hindi lang basta tahimik na lugar ang Bai Sha Wan, may angkin din itong sariling ganda. Bilang isa sa may pinakamalinaw na tubig sa , tamang-tama ang lugar na ito para sa snorkelling. At dahil kakaunti lamang ang turista dito, makaka-renta ka lagi ng mga kagamitang panlangoy.

2. Magbabad sa hot springs ng

Mayroong hot springs na matatagpuan sa paanan ng kabundukan ng . Nasa tabi ng ilog ang hot spring at pinag-iinit ito ng mga bato sa ilalim nito. Maraming sikat na hot springs sa Taiwan, at karamihan dito ay nasa loob ng mga gusali. Pero bakit mo lilimitahan ang sarili mo sa indoor hotspings…

…kung maaari kang magbabad sa hot springs na may ganitong kagandang tanawin?

Basahin din ito: The Onsen Battle: Taiwan vs Japan

3. Mag-zorb pababa ng burol sa

Image credit: ecstacy1120

Ang ay sadyang para sa mga malalakas ang loob. Maliban sa beach activities at water sports, pwede ka rin mag-Zorb (o magpagulong-gulong sa burol habang nakasakay sa loob ng hamster ball), magmaneho ng ATV sa gubat ng , mag-paintball at marami pang iba.

Para sa iyong kaalaman: Matatagpuan ang mga gawaing ito sa 哈利波特草地飛球場.

4. Simulan ang dakilang road trip

Mula sa pinakamataas ng kalsada ng Taiwan na may taas na 3000 na metro…

… at sobrang kitid na mga daan sa gitna ng kagubatan…

… hanggang ilan sa mga pinakamagandang kalsadang makikita mo sa mundo,

Image credits: Fred Hsu

Taiwan na siguro ang isa sa pinaka road trip-friendly na bansa sa Asya. Maliban sa nakakabighaning mga tanawanin, ang mag-road trip sa Taiwan na siguro ang maghahatid sa iyo sa mga bukod tangi at sekretong mga lugar. Isa pa, ligtas at masistema ang trapiko sa daan, kaya hindi mo proproblemahin ang trapik o ang mga drayber na maiinit ang ulo.

Para sa iyong kaalaman: Ang mga sasakyan sa Taiwan ay gumagamit ng left-hand drive. Pero huwag mag-alala, masasanay ka rin agad. Huwag kalang masyadong ma-didistract sa magagandang tanawin.

5. Mamundok sa nakakabighaning

Para sa malawak na lupaing sakop nito, nakapag-tataka na kakaunti ang bumibisita sa Maolin. Dagdag pa sa tanawin ng nagtataasang mga bundok, marami pang ibang kamangha-manghang tanawin dito—mga talon, lambak, sapa, hot springs, at mga mabubungang halaman at iba’t-ibang uri ng mga hayop.

Basahin din ito: How I Travelled 6 days in Taiwan for PHP 34k (All-In)

6. Sundan ito ng pagtalon sa mga valley waterfalls

Tulad ng nabanggit, may ilang mga talon sa Maolin na bukas para sa publiko. At syempre, walang ibang magandang paraan para tapusin ang iyong paglalakbay kundi lumublob, o kung kaya mo, tumalon sa malamig na tubig ng rumaragasang talon.

At kung hindi mo trip ang tubig, marami ka pang maaaring gawin dito tulad ng mahimbing na pagtulog habang nakikinig sa lagaslas ng tubig o kaya nama’y magkaroon ng sarili n’yong steamboat feast. Sa  katunayan, maraming taga dito ang gumagawa nito — simula sa pag hugas ng mga gulay hanggang sa pag gawa ng gumaganang steamboat sa tabing ilog.

7. Mag-scuba dive kasama ang mga hammerheadhead sharks sa

Image credit: Taiwan

Image credit: Taiwan

Sa pag-iisip mga atraksyon sa Taiwan, hindi kaagad-agad dadako sa isip ang . Pero karapat-dapat lang na makakuha ng mas malaking atensyon ang dahil perpekto ito para takasan ang masisikip na mga siyudad sa Taiwan.

Tingnan mo, literal na malayo ang sa isla ng Taiwan!

Huwag paloloko sa liit ng isla sa mapa, dahil punung-puno ang ng mga gawaing paniguradong bubuo ng pinakamasayang day trip ng buhay mo. Mag-dive at snorkel sa ilan sa mga napangalagaang coral reefs ng Taiwan, magbabad natatanging tubig-dagat na hot spring, at mamangaha sa ganda ng lighthouse na makikita sa isla.

Basahin din ito: How to Travel Taiwan on a Budget

8. Ubusin ang laman ng iyong pitaka sa

Kalimutan ang mga sikat na shopping districts. Para sa mga true-blue shophalic, alam nilang pinakamasusulit ang pagsho-shopping sa paghahalughog sa mga discounted items sa wholesale markets. Wufenpu ang isa sa pinakamalaki at pinakasikat na wholesale market sa Taiwan, at marami kang makikitang mga lokal at mga turista na namimili dito. Sa katunayan, maraming online store owners ang kumukuha ng supplies nila sa Wufenpu.

Posibleng maguluhan ka sa mala-maze na pamilihan, kaya galugurin ng husto upang masulit mo ito.

9. Tumira ng isa o dalawang gabi kasama ang

Sa halip na bumisita sa mga museo tungkol sa Aboriginals, subukan mo na lamang mag-homestay sa isang katutubong nayon upang matutunan mula sa kanila ang pamumuhay sa tribo. Maraming tribo sa Taiwan ang tumatanggap ng bisita tulad ng , Wu Tai at Chia Yi County.

Paalala: May ilang nayon na nangangailangan ng mountain permit bago makapasok, pero mabilis lamang itong makukuha sa kahit anong foreign-affairs na istasyon ng pulis.

10. Alamin ang kapalaran ng iyong love life mula sa isang manghuhula

Image credits: Maksim

Pero syempre, tandaaan mo lang ang mga magagandang bagay.

11. Magsaya kasama sa mga pagala-galang tupa sa

Image credit: Carrie Kellenberger

Bakit kakailanganin mo pang pumunta ng zoo kung maaari kang makipaglaro sa mga pagala-galang tupa? Ngunit hindi sila kasing lambing ng inaasahan. Sa kabila ng palangiti nilang mata, lumalapit at nakikipaglaro lamang sila sa iyo kung mayroon kang pagkain. Pero syempre, isa pa rin itong pagkakataon na hindi mo dapat palampasin.

Maliban sa mga mababalahibong kaibigan, sadyang magandang puntahan ang Cing Jing dahil matatagpuan ito sa itaas ng bundok na may taas na 1,500 metro.

Basahin din ito: 5 Most Underrated Natural Attractions In Taiwan

12. Magrenta ng scooter at galugurin ng mga kalsada ng Taiwan

Image credit: Carrie Kellenberger

Walang duda, ang pagsakay sa scooter ay ang pinakamagandang paraan sa paglilibot sa Taiwan. Siguro nga hindi ito ang pinakaligtas, pero makakatipid ka rin dito at malilibot mo pa ang lugar na hindi madaling puntahan nang naglalakad o nakasakay sa sasakyan. Kahit umupa ka ng isang buong linggo para mamasyal sa bansa o kahit saglit na paglalakbay sa tabing dagat, ang pagsakay sa scooter ay kailangan mong subukan.

13. Mag-stargaze buong gabi sa

Image credit: Cpami

Hindi kalimitang kasama ang stargazing sa to-do lists ng mga namamasyal sa Taiwan, pero kaya nitong gawing mas mahiwaga at kamangha-mangha ang iyong bakasyon. Maraming local guides ang pumapayag dalhin ang mga turista sa lugar kung saan pwedeng mag-stargaze, at kung saan makakabuo ka ng mga mahiwagang alaala.

Dahil sa taas na lugar, sikat na stargazing site ang Cing Jing sa . Kaya kung mapapadpad ka sa Cing Jing, siguraduhing maglaan ng ilang gabi para sa stargazing.

Ngayong alam mo nang marami ka pang pwedeng gawin sa Taiwan, humayo ka’t sumubok sa mas kakaibang bakasyon sa bansa na hindi lamang puro street food at Taipei 101.

Isinalin galing sa (translated from): 13 Unconventional Things to Do in Taiwan for A Smashing Vacation

Published at


About Author

Jane Galvez

Jane is a homebody, but the promise of an adventure of a lifetime inspires her to spend her weekends travelling. When she's not on the road travelling, she's writing about the places she's been to or planning her next exploit at <a href="http://www.janegalvez.com/">Oh My Janey</a>.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles

Latest Articles