Umawra Ka! Instagram Tips Para Sa Mga Mahinhing Traveller

Tulad ng karamihan ng millennial travellers, gusto ko ng magandang Instagram. Hindi na ako magkukunwari pa. Ang problema lang, sobrang awkward ko. As in. Magulo man ako sa totoong buhay, pero bigla akong nagiging mahinhin kapag tinapatan ako ng kamera. Kaya naman, kakaunti lang ang mga travel photos ko ngayon. Ang hirap nito, dahil gustong gusto kong magkaroon ng mga litratong pwede kong balikan tuwing inaalala ko ang trips ko. Kaya naman, kinailangan ko talaga ng Instagram tips sa buhay ko.

Kung may ganito ka ring problema… Edi apir tayo riyan! Pero huwag ka — natuto na ako. Sa pamamagitan ng Instagram tips na ito, mas marami na akong travel photos ngayon.

Basahin din ito: Travel in Style: 7 Easy & Instagram-Worthy Fashion Pieces for the Summer

Ang paghahanda

1. Praktis makes perpek

Huwag ka nang mahiya. Umawra ka sa harap ng salamin. Ngitingitian mo sarili. Hanapin mo anggulo mo. Kung may pose kang gustong i-achieve, subukan mo rin sa bahay niyo. Malamang, hindi pa sanay ang katawan mo sa ilang poses na ito. Pero, praktis makes perpek. Sanayin mo lang ang sarili mong mag-pose at magiging effortless ka rin sa harap ng kamera.

2. Dress for success

Magsuot ka ng damit na nakaka-#GGSS. Mag-makeup ka kung mas ramdam mo ang pagiging prinsesa sa pamamagitan nito. Kung hindi ka kumportable sa makeup, edi huwag kang gumamit. Totoo talagang kapag feeling confident ka sa loob, magpapakita ang ganda mo sa labas.

3. Kaladkarin mo ang beshie mo

Minsan, taglay ng beshie mo ang kapangyarihang palabasin ang tunay mong kulay. At madalas, doon ka pinakamaganda. Mag-photoshoot sessions kayo together! At mag-enjoy lang kayo.

Sa kabilang kamay, hindi lahat ng magkaibigan ay kumportableng nagkukuhanan ng #OOTD. Keri lang ‘yon. Gawin mong beshie ang self-timer mo. Malamang, mas mahirap ito dahil kailangan mong diskartehan kung paano mo ipoposisyon ang kamera mo. Hindi mo rin malalaman kaagad kung maganda ba anggulo mo. Pero tulad nga sa natutunan natin sa unang tip: praktis makes perpek.

Basahin din ito: No (Instagram) Boyfriend, No Problem: 12 Tips for Taking Great Photos When Travelling Solo

4. Magdala ka ng mahahawakan

Ano nga bang gagawin mo sa awkward mong mga kamay?

Pro Instagram tip: magdala ka ng props na mahahawakan mo sa litrato. Sombrero. Bag. Jacket. Kahit belt! Lahat ito pwede mong hawakan para mukha namang may ginagawa ka sa picture mo.

5. Save photo pegs

Ito na ang oras na mag-stalk! Hanap ka sa Instagram o iba pang website ng mga travel photos na bet na bet mo. Aralin mo! Tignan mo anong poses ang magaganda. I-screenshot mo na rin para madali mong balik-balikan pag photoshoot time na.

Mga pose para sa dalagang Pilipina (ye)

1. Pa-candid

Ito na ang pinakamadaling gawin kung camera-shy ka like me. Pero, huwag kang mag-expect na maganda lagi ang kalalabasan nito. Malamang, mahihirapan ka pang makatiyempo ng magandang kuha. For more chances of winning, mag-burst shots ka.

Ang paborito kong mga pa-candid shots ay yung tuwing umiinom ako ng kape, nagbabasa ng libro, o tumitingin sa malayo. Binibigay ko sa travel buddy ko (Hi, ma!) ang kamera ko, at sasabihin kong mag-picture lang sila nang mag-picture.

2. Barbie feet

Tumingkayad ka nang parang kang naka-high heels. Magkakailusyong mahaba ang legs mo! Kung nakaupo ka naman, i-flex mo ang mga paa mo for the same effect.

Sa pamamagitan ng technique na ito, natuto na akong mag-full body poses. Ngayon, alam ko na gagawin ko sa mga paa ko!

3. Talikodgenic

When in doubt, go for the talikodgenic shot. Syempre, bilang travel photos ang gusto mo, gamitin mo ang view para rito. Tumingin ka sa malayo, tapos maging foreground ka ng napakagandang destinasyon. Para hindi ka masyadong mukhang stiff, let loose. Subukan mong maglakad habang kinukunan ka ng piktyur. Tandaan mo lang na mag-beauty queen walk ka with shoulders high and back straight. Yan na lang gagawin mo, ha! Go, girl!

4. Over-the-shoulder

Para maiba naman, subukan mo itong pabebe pose na ito. Look over your shoulder! Hindi ko alam kung bakit, pero nakakaganda talaga ito. Natatago mo na nga mga kamay mko sa harap, napapakita mo pa mukha mo. Sobrang dabest itong pose na ito kung gusto mong mag-flaunt ng back details ng damit mo.

5. Tulog shot

Minsan, ang pinakamahirap talagang gawin sa pag-pose ay ang pagtingin nang diretso sa kamera. Feel mo ako? Kaya pumikit na lang tayo!

Maganda rin itong gawin kung nasa maaraw kang lugar tulad ng beach. Imbes na magkasilaw-silaw ka kakaawra, magtulog-tulugan ka na lang. At syempre, ngiti ngiti rin pag may time.

Basahin din ito: Dear Friend Na Feeling Travel Influencer, Push Mo Lang Yan

Gamitin niyo itong Instagram tips na ito! I-tag niyo kami sa Instagram (@tripzillaph) at gamitin niyo ang aming hashtags #TripZillaPH #MakeTravelHappen para masama kayo sa feed goals namin. Awra!

Published at


About Author

Danielle Uy

If Disney were creative enough to let Mulan and Melody procreate, Danielle would be that child. From an early age, she has dreamt of becoming a purposeful revolutionary... and an unruly mermaid. While Danielle hasn't held a sword in her lifetime, she feels powerful enough with her byline. Her creative energy is fueled by many things: the quiet right before the rest of the world wakes up, the orange sky as the sun rises during an uncrowded morning surf, the beautiful bitter taste of black coffee, and the threatening reminder of a pending deadline.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles

Latest Articles