Paano Kumuha Ng BOQ Yellow Card (Plus Tips Para Sa Mga Biyahero!)

Nanunumbalik na talaga ang travel. Nagbubukas na ang international borders, dumarami na ang nababakunahan, hindi na masyadong nakakapraning magbakasyon. Syempre, kung international travel ang usapan, marami pa rin ang kailangang isaalang-alang: Mas malaking budget na ang kailangan para maglakbay, at mas marami na ring requirement ang kailangang ihanda. Isa na rito ang Bureau of Quarantine Yellow Card or International Certificate of Vaccination (ICV).

Pero paano nga ba mag-apply para sa BOQ Yellow Card?

Basahin din ito: Who Can Get an International Vaccine Certificate for COVID-19?

Bakit kailangan ng BOQ Yellow Card?

Karamihan ng bansa ngayon, nanghihingi ng katibayan ng bakuna mula sa mga turista. Sa kasamaang palad, pili lang ang kinikilalang vaccination cards ng mga ibang bansa. Hindi porke’t nanggaling sa LGU ay tatanggapin na kaagad ang vaccination card mo.

Kinikilala ng World Health Organization ang BOQ Yellow Card bilang opisyal na katibayan ng bakuna.

Image credit: Pisopay Official YouTube Channel

Hindi man sapilitan ang pagkuha ng BOQ Yellow Card, mas maigi nang kumuha ka nito para tiyak na ma-enjoy mo ang bakasyon mo. Kahit hindi hinihingi ng bansa ang BOQ Yellow Card, maaaring hingin pa rin ito ng mga establisyemento tulad ng mga restawran at museo.

Paalala lang din na magsaliksik sa entry requirements ng bawa’t tourist spot na balak mong puntahan. Kung maayos ang pagpaplano mo, malamang walang hassle ang bakasyon mo!

Basahin din ito: 6 Tito and Tita Essentials for Motion Sickness and Body Pain

Paano mag-apply para sa BOQ Yellow Card?

Sa ngayon, mga OFW at biyaherong lalabas ng bansa ang pwedeng mag-apply para sa BOQ Yellow Card. Makakukuha ka lamang nito kung kumpleto ang nakuha mong bakuna sa Pilipinas.

Requirements para sa BOQ Yellow Card

  • Valid passport
  • Valid ID
  • Vaccination card

Basahin din ito: Passport Renewal Amid COVID-19 for Philippine Passport Holders

Mga hakbang

  1. Pagkahanda mo ng lahat ng requirements mo, magtungo sa opisyla na booking website dito.
  2. Mamili ng BOQ office. Marami silang main o satellite na opisina sa bansa.
  3. I-click ang “Book Appointment.” Basahin at sumangayon sa terms and conditions.
  4. I-click ang “New Certificate.”
  5. Punuin ng tamang impormasyon.
  6. Sa ilalim ng “BOQ Service Type,” piliin ang “International Certificate of Vaccination for COVID-19,” tapos i-click ang “Next.”
  7. Mamili ng petsa at oras.
  8. I-upload ang litrato ng iyong valid government-issued ID, LGU-issued vaccination card, at valid passport.
  9. Magbayad. Pwede kang magbayad over-the-counter sa LBC at 7-Eleven. Pwede ka ring magbayad online sa pamamagitan ng GCash o Metrobank. Kung mas gusto mong magbayad gamit credit/debit card, maaari mo ring gawin ito.
  10. Pumunta sa opisina ng BOQ sa na-iskedyul mong appointment. Dalhin ang resibo at screenshot ng iyong confirmed appointment. Sa loob ng ilang minuto, mapiprint na ang iyong BOQ Yellow Card.

Basahin din ito: US Visa Renewal for Filipino Tourists: How I Renewed Without Interview!

Paano kung hindi ako makakuha ng appointment sa BOQ?

Maaaring mahirapan kang kumuha ng slot sa BOQ, kaya mainam na subukan mo nang mag-book ng slot sa madaling panahon. Dalasan ang pagtingin sa website nila, bilang malimit silang magbukas ng bagong slot

Kung malapit na ang biyahe mo, pwede mong kausapin ang opisina para humiling ng expedited processing.

Paano mag-expedite ng BOQ appointment

Pwede mo lang gawin ito kung babiyahe ka sa loob ng 10 araw.

Mga hakbang

  1. Mag-enroll sa BOQ online booking system.
  2. Mag-email ng request for expedite sa expedite@boq.ph. Sa paksa ng iyong email, ilagay ang iyong reference number at kumpirmadong araw ng lipad. (hal. PPBGOQ123456789 – BB/AA/TTTT)
  3. Isama ang mga detalye ng iyong kumpermadong lipad sa email.
  4. Hintayin ang kumpirmasyon sa loob ng 48 oras.
  5. Pumunta sa itinalagang opisina ng BOQ at ipakita ang iyong kumpirmadong email appointment.

Basahin din ito: VaxCertPH: How to Get a Digital Vaccination Certificate

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paano mag-apply para sa BOQ Yellow Card, basahin ang Bureau of Quarantine FAQ dito.


 

Featured image credit: Mix and Match Studio via Canva Pro. Isinalin galing sa (translated from): How to Apply for a Bureau of Quarantine Yellow Card

Published at


About Author

TripZilla

TripZilla menginspirasi orang untuk mengeksplorasi dunia melalui panduan, tips dan cerita berlibur dari komunitas para traveller di dalam dan sekitar Asia Tenggara.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles

Latest Articles