The Truth Behind Travel Guilt — Bakit Nakakaguilty Mag-Travel?

“Nagta-travel ako para sa sarili ko. Walang mangengealam!” Ngayon, karamihan ng travellers ganito na ang perspektibo. Nasa mundo na tayong puro “ako, ako, ako” ang pag-iisip. Puro self-care at self-love; basta wala tayong naaapakan, okay lang. Kaya naman, napapaisip ako minsan kung karaniwan ba talaga ang … o konti lang ang nakakaramdam nito?

Totoo ang — masasabi ko ito kasi nararanasan ko siya. Pero syempre, gustong gusto ko pa ring mag-travel! Sobra! Pero, hindi ko maiwasang isiping tuwing nagtatravel ako, marami pa akong ibang responsibilidad.

Sa pagiging magastos

Parte na ng kultura ng Pinoy ang pagiging maasikaso. Minsan nga, sa sobrang maasikaso natin, nagiging pakealamero’t pakealamera na tayo sa buhay ng iba. Bilang traveller, marami akong natatanggap na payo mula kung kani-kanino. May ibang taong nagsasabing dapat unahin ko ang pamilya ko, dahil utang na loob ko raw ang lahat sa kanila. Ang magulang ko raw ang dahilan kung bakit ako may trabaho na ngayon, kaya dapat inuuna ko sila kaysa sa travels ko. Kahit papaano, sumasang-ayon naman ako sa kanila. Totoo namang gusto kong suportahan ang pamilya ko hangga’t sa makakaya ko. Natutuwa nga ako kapag nalilibre ko sila o nabibilhan ko sila ng regalo, eh!

Kaya lang, may ibang taong nakatatanggap ng mas mabigat na pressure kaysa sakin. Alam ko ‘to! Marami akong kaibigang mas hirap kumilos dahil sa pressure na ito.

Sa pamilya, halimbawa, kapag may isang miyembro na medyo namomroblema sa pera, parang kailangan mo na siyang saluhin agad bilang kamag-anak. Kapag may nagkasakit, napipilitan kang maglabas ng ipon. Minsan, kapag may emergencies, kailangan mong bawasan ang travel fund mo — at hindi rin naman magandang magreklamo.

Hindi maiiwasang unahin natin ang kapakanan ng pamilya natin kaysa sa pagta-travel — hindi naman ‘to masama. Kung masama siya, edi hindi na tayo magkaka-!

Sa pagiging absent madalas

Hindi na bumabata mga magulang ko. Habang tumatagal, lalo ko silang gustong makasama. Dahil dito, nawawalan na ako ng gana minsan mag-solo travel. Nakaka-trigger ng kapag umaalis ako ng bahay kahit hindi kailangan. Tuwing nakakatikim ako ng masasarap na pagkain, naiisip ko ang pamilya ko. Sobrang daming travel opportunities ang naibigay nila sa akin habang tumatanda ako, at nakaka-guilty tuwing nag-eenjoy ako kapag wala sila.

Alam kong karamihan sa mga batang travellers ngayon ay nahuhusgahan kapag madalas nagtatravel. May ibang mga taong iniisip na iresponsable at madamot ang mga travellers na ‘to.

Sa pagsira ng kalikasan

Dahil mahal ko ang dagat, malaki ang pagmamahal ko para sa kalikasan. Hindi ako gumagamit ng single-use plastic masyado. Kung gumamit man ako nito, gugupitin ko sila para mailagay sa aking eco-brick. Yung mga produkto kong pang-skincare, lahat organic. Mahilig man ako sa fashion, puro ukay-ukay naman mga damit ko. Miyembro ako ng isang environmental group, PERO traveller ako. At ito na: Wala naman talagang zero-waste traveller.

Yung industriya ng travel ang isa sa major polluters ng mundo. Noong 2019 lang, nakitang responsable ang flights natin sa dalawang pursyento ng carbon dioxide emissions ng buong mundo! Sabi rin ng isang non-profit organisation, dapat 5,000 kilometres lang ang i-travel ng bawat tao kung gusto nating pigilan ang paglala ng climate change. Posible ba ‘to kung traveller ka?

Ganito: Ang distansya mula sa Pilipinas hanggang sa Singapore ay 2,400 kilometres. Kung mag-bobook ka ng roundtrip papunta sa Lion City, halos wala ka nang matitirang kilometres para sa taon. Isang roundtrip lang papuntang Singapore, 949 kilograms na ng carbon dioxide ang na-emit mo.

Kahit ilang single-use plastic pa ang tanggihan ko, hindi ako magiging maayos na environmental advocate dahil traveller ako. At yung masama pa dun? Ayokong tumigil sa katatravel. At alam kong hindi ako nag-iisa rito.

Basahin din ito: Sustainable Tourism in the Philippines: 5 Easy Ways Travellers Can Help!

Sa pagiging privileged

Travel is a privilege, alam natin ‘to. Bilang travel writer, alam kong sobrang privileged ako dahil marami akong oportunidad para mag-travel. At minsan, yung pribilehiyong iyon pa lang ay sapat na para magkaroon ako ng . Bakit? Kasi hindi ko naman siya deserve! Sino ba ako?

Lumalawak ang kaalaman at perspektibo ko dahil sa pagta-travel, pero alam kong hindi lahat ng tao ay kasing privileged ko. Hindi lahat ng tao pwedeng mag-travel ng kasing dalas ng pagtatravel ko. Kahit maraming benepisyo ang pagta-travel, hindi ko rin ito pwedeng ipilit sa ibang mas limitado ang resources kaysa sa akin. Nakaka-trigger ng yung wala akong magawa para matulungan ang ibang makapag-travel din.

Basahin din ito: Travel is A Privilege & Not Everyone Can Travel As Much As You

Totoo ang — maraming dahilan kung bakit ko ito nasasabi. Sa katotohanan nga, yung mismong ay nakaguguilty na para sakin, kasi pakiramdam ko dapat masaya lang ako kapag nakakapagtravel ako.

Titigil ba akong mag-travel dahil sa ? Mukhang hindi naman. Ang alam ko lang ay ngayon, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para maging mas mabuting traveller. Sa ngayon, iyon na muna ang maiaambag ko.


Isinalin galing sa (translated from):  Travel Guilt Exists — Here Are Reasons That Prove It

Published at


About Author

Danielle Uy

If Disney were creative enough to let Mulan and Melody procreate, Danielle would be that child. From an early age, she has dreamt of becoming a purposeful revolutionary... and an unruly mermaid. While Danielle hasn't held a sword in her lifetime, she feels powerful enough with her byline. Her creative energy is fueled by many things: the quiet right before the rest of the world wakes up, the orange sky as the sun rises during an uncrowded morning surf, the beautiful bitter taste of black coffee, and the threatening reminder of a pending deadline.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles

Latest Articles