Our favourite places to stay on this sleepy Cebu island.
Madalas, nagfe-feeling akong ako si Moana of Motunui. Pero, hanggang pagefe-feeling lang ako dahil wala akong kapangyarihang ibalik ang puso ni Te Fiti… o ng kahit ano pang isla. Kahit na ganoon, naniniwala pa rin akong pinili ako ng dagat para alagaan ito — at alam kong pinili rin kayo.
Lahat tayo ay may karapatan sa dagat. Kaya naman, lahat tayo ay responsableng panatilihing malinis at malusog ito. Habang wala namang taong nasa tamang pag-iisip ang sadyang maninira ng ating mga karagatan, marami sa ating nagkukulang sa pagbibigay ng tamang atensyon dito. Hayaan niyong maging paalala ang artikulong ito tungkol sa mga bagay na bawal gawin sa dagat. (Ang hindi sumunod, lulunurin ni Dyesebel.)
Basahin ito: What Travellers Should Know About Tourist Spot Rehabilitation
Alam niyo ba kung bakit lumalala na ang mga kaso ng sunburn? Nasisira na rin kasi ang ating ozone layer dulot ng global warming. Pero maliban sa sunburn, marami na ring namamatay na gasang dulot ng global warming. Totoo, importante ang proteksyon laban sa araw, lalong lalo na sa panahon na ito — pero parang awa niyo na sa karagatan, tignan niyo muna kung reef-safe ang mga sunscreen ninyo. Sa madaling salita, siguraduhin niyong walang nakahahamak na kemikal ito tulad ng oxybenzone at octinoxate — dalawang kemikal na pinagbabawal sa Hawaii dahil sa epekto ng mga ito sa gasang.
Habang nage-enjoy ka sa ilalim ng araw, importanteng manatiling hydrated. Huwag mong kalilimutan ang tumbler mo (na syempre, may lamang tubig) tuwing pumupunta kang dagat, para hindi ka mamatay sa kauhawan. Kapag may dala kang sariling tumbler, hindi ka na rin kailangang bumili ng tubig na naka-bote. Madalas kasi, plastic bottled water lang ang tinitinda sa tabing dagat — at ayaw mo namang magdagdag ng kalat sa isla.
Tip: Kung may dala kang kotse, pwede ka ring magdala ng isang galon ng tubig para pang-matagalan na. Pwede mo ring tingnan ang mga establisyementong ito para sa pagpaparefill ng tumblers.
Alam mo ba na ang yosi ang pinakakaraniwang anyo ng plastik sa buong mundo?
Sa bawat beach cleanup na nadaluhan ko, yosi nga ang isa sa pinakakaraniwang basura na napupulot namin sa dagat. Sa isang oras lang, nakakakolekta na kami ng yosi na bumubuo sa ikapat na bahagi ng sako. Bakit kaya ganito?
Karamihan ng tao, iniisip na nabubulok ang yosi dahil mukha siyang papel. Ngunit, umaabot sa 12 na taon ang pag-degrade ng cigarette filter. Habang nangyayari ang prosesong iyon, naglalabas ng toxins ang yosi na nakahahamak ng kalikasan at nakakapatay ng mga isda.
Kahit na anong galing mong lumangoy, mapapahamak ka pa rin kung hindi mo papansinin ang mga babala sa dagat. Mas malakas kaysa sa atin ang kalikasan, at maraming bantang kailangan nating pag-ingatan — tulad ng malakas na current at jellyfish stings. Makinig sa mga lifeguard at lokal dahil malaki ang tsansang mas alam nila ang lugar kaysa sa iyo.
Basahin ito: Snorkelling 101: 5 Survival Tips to Keep in Mind
Huwag kang maging panira sa kaligayahan ng mga nasa dagat. Hindi lahat ng taong naka-swimsuit ay matutuwa na kinukuhanan mo sila ng litrato nang hindi ka nagpapaalam. Dagdag pa rito, may mga bansang mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng litrato ng kung sino-sino nang walang pagpapaalam muna. Kung kailangan mong pag-isipan kung etikal ang pagkuha mo ng litrato, huwag mo na lang gawin.
Masarap uminom sa tabing dagat, pero siguraduhin mong huwag kang sosobra. Dahil nakaka-dehydrate ang alak, pwede kang ma-heatstroke kung kulangin ka ng tubig. Dagdag pa rito, marami nang naging kaso ng pagkalunod dahil sa kalasingan. Para manatili kang ligtas, iwasan mo na lang uminom masyado. Mag-fruit shake o buko ka na lang!
Mahirap maintindihan kung bakit hindi nakikita ng ibang tao kung gaano kasama ang pagkakalat, lalong lalo na sa dagat. Bukod sa pumapangit ang mga karagatan natin dahil sa dumi, namamatay na rin ang mga isda at iba pa nating sea creatures. Ayon sa Plastic Oceans Foundation, mahigit kumulang 100,000 na marine mammals ang namamatay kada taon dahil nakakalunok o nabibitag sila ng iba’t ibang basura.
Kung kaya mo naman, subukan mong mamulot ng basura sa dagat. Kahit limang minuto ka lang magpulot ng basura, malaki na ang maitutulong mo, lalo na kung gagawin mo ito sa bawat beach trip mo.
Mahirap tanggapin ang sasabihin kong ito, pero ito ang katotohanan: Madalas, nakahahamak ng sea creatures ang pagpapakain, paghahabol, pagsasakay, at paghahawak sa kanila. Maaari niyo silang pagmasdan sa malayo, pero siguraduhin niyong hindi niyo sila natatakot. Hayaan niyo silang mabuhay sa kapayapaan at huwag niyo na silang akitin sa pamamagitan ng mga pagkaing hindi naman makabubuti para sa kanila. At syempre, huwag kang mamato ng starfish. (Siguradong narinig niyo rin ang balitang ito. Nakakakilabot.)
“She sells seashells by the seashore” — Siguradong noong una niyong narinig ang tongue twister na ito, wala kang nakitang mali sa kanya. Ngunit heto tayo ngayon — makalipas ang ilang taong pangongolekta ng mga tao ng seashells para gawing alahas, palamuti sa bahay, at pasalubong, nalaman ng mga researcher na nakasisira ng kalikasan ang pagkuha ng seashells.
Malaki ang bahagi ng shells sa ecology. May mga hayop na tinitirhan ang mga ito; mayroon ding mga hayop na nangingitlog dito. Ganoon din kaimportante ang buhangin, at napakalaki na ng nawawala sa mga karagatan natin dahil lahat tayo ay iniisip na hindi naman makasasamang mangolekta ng kakaunti bilang souvenir.
Basahin din: How To Score Souvenirs For Free
Nakakita ka na ba ng butanding? Kung oo, mas madali mong mai-imagine ito: Sa nakalipas na isang taon lang, kasing bigat ng 9,000 na butanding ang plastik na itinapon sa mga karagatan natin. Mahigit kalahati ng endangered marine mammal species natin ay nakakain na o nabitag na ng mga plastik na ito. Handa ka na bang managot para rito, dahil lang mas madaling mag-take-out ng pagkain tuwing may outing kayo?
Kung ayaw mong makaragdag sa problema natin sa basura, huwag ka na lang magdala ng plastik sa dagat. Kung tutuusin naman, mas madaling iwanang malinis ang dagat kung wala kang dala dalang basura. Maliban sa dala niyong tumbler, magbaon na lang din kayo ng pagkain sa tupperware o bayong. Kalimutan niyo na ang paper plates at plastic utensils na nakasanayan niyo — kumain na lang kayo sa dahon ng saging at magkamayan. Mas masaya pa!
See the line where the sky meets the sea? It calls us to keep it clean as can be. Alalahanin niyo lang ang mga bawal gawin sa dagat at mag-enjoy kayo sa beach trip niyo!
Isinalin galing sa (translated from): 10 Things You Should NEVER Do At The Beach
Published at
Get our weekly tips and travel news!
Our favourite places to stay on this sleepy Cebu island.
The promise of new flavours beckons from Banawe.
Coffee date on the mountains, anyone?
Spread the good word!
Elevate your Insta-game at these Laguna spots.
Time to visit the summer capital soon!
You can bike from city to the countryside!
Hopefully this makes the visa application easier!
Mark your calendars for your fur babies!
Explore why the country stands out!