When 11 days in Japan still aren’t enough!
Nakasanayan na ito sa pag-tatravel. Kapag usapang ‘instagrammable’ moments sa airports, madalas may isang litrato na pumapasok sa isipan natin. Nakikita ito ganito sa mga Instagram feeds or Snaps ng mga kaibigan natin. O kaya nama’y tayo rin ay guilty sa paggawa nito mismo.
Ito ay walang iba kung hindi ang pagpost ng litrato natin na hawak ang ating mga passports kung saan sumisilip ang boarding pass.
Aminadong nagulat ako sa kung gaano kadali ngayon makakita ng mga totoong kuha nitong dokumento sa Google Images. At sigurado ako na kayo din, sa oras na matapos niyong basahin itong article.
Basahin din ito: Great Things That Happened to the Philippine Passport This 2017
Sa ngalan ng pagiging kompidensyal na mas ipapaliwanag ko pa mamaya, hindi ako pwede magpakita ng kuha ng isang totoong boarding pass.
Ito ay halimbawa ng isang tipikal na boarding pass. Kapag kinukuhanan ang mga ito, madalas na makikitang sumisilip ang kanang dulo nito mula sa passports natin. Itong parte ay madalas may laman na mga sumusunod na impormasyon:
May mga taong mas maingat kaysa sa iba kung saan nagagawa nilang takpan o palabuin ang mga pangalan nila at flight numbers, at iniiwang kita lang ang paroroonan. Hindi naman surpresa ang ganitong gawain. Kung sabagay, bakit ka pa nga ba magshe-share ng picture kung hindi naman kita iyong detalye na ‘yon, hindi ba? Sa pagtakip ng flight number at pangalan, hindi agad ibig sabihin na siguradong ligtas ka na at ang mga importanteng impormasyon mo. Pwedeng pakinabangan pa din ito, halimbawa, ng mga stalkers. Pero ang pinaka-maselan sa lahat ang iyon namang naiwang nakabandera. Itong detalye na ‘to ay nagbibigay hindi lamang ng impormasyon tungkol sa iyong paglalakbay sa oras na iyon, kung hindi pati sa mga nakaraan at parating na byahe mo rin. Kung tutuusin, ito’y nagdadala ng isang napakalaking halaga ng impormasyon tungkol sa travel habits mo.
Ano’ng mayroon sa Barcode? Sakaling may lumang mga boarding pass ka pa sa’yo, pwede mo gawan ito’ng simpleng eksperiment kung saan kukuhanan mo ng picture ang Barcode o QR code ng boarding pass, at i-decode ito gamit ang ilang mga libreng decoder tulad ng Inlite.
Madalas na ang impormasyon na makukuha mula sa pag-decode na ito ay sapat na para mabigyan ang ibang tao ng access sa iyong account sa website ng airline, kung saan pwede nilang makuha ang iba pang mga detalye ng byahe mo. Pwede nilang ikansela ang lipad mo, baguhin ang mga seats, kuhanin ang address mo at base sa Frequent Flyer Number mo, makikita pa ang records ng mga nakaraan at nakaplanong lipad mo.
Sa ilang pagkakataon, pwede din nila makuha pati ang Passenger Name Record o PNR, na nagsisilbing natatanging paraan ng pagkilala sa’yo sa computer reservation system. Kasama dito ang mga detalye ng ruta mo at ng mga kasama mo sa paglipad.
Basahin din ito: President Duterte Signs Law Extending Philippine Passport Validity to 10 Years
Hindi biro ang sitwasyong ito at mapanganib pa sa maraming paraan, tulad ng:
Kapag nakuha ng ibang hindi mapagkakatiwalaang tao ang iyong address at ng mga kasama mo, maaaring magbigay ito daan para sa potensyal na magnanakaw na pasukin ang bahay ninyo lalo na’t may ideya sila kung gaano kayo katagal mawawala.
Sa pag-access sa personal mong profile sa website ng isang airline, madaling magagalaw at mababago ng ibang tao ang mga seats, meals at ibang pang detalye sa booking mo. Sa malalang pagkakataon, pwede pa nila ikansela o baguhin ang petsa ng lipad mo.
Kapag lilipad ka kasama ang ibang mga tao na hindi related sa’yo, maaaring makita din itong impormasyon sa account mo dahil iisa lang ang magiging PNR ninyo, at pwedeng gamitin ito laban sa’yo. Posibleng makuha pati ang impormasyon ng mga kasamahan mo at magawang i-blackmail pa sila.
Kapag hawak na din ng ibang tao ang PNR at Frequent Flyer Number mo, pwede niya gamitin ang mga naipon mong Miles o puntos para sa sariling gamit.
Itong mga nabanggit na halimbawa ay ilan lamang sa mga posibileng mangyari kapag napunta sa maling kamay ang mga impormasyong laman ng Barcode. Sigurado ako na kung sinumang magkaroon ng access sa PNR mo na mayroong masamang intensyon ay maaaring makagawa ng iba pang mas malalang mga bagay.
Para sa’kin, hindi na problema kung ano ang pinakamagandang kuha ang pwede kong gawin sa boarding pass ko. Mas mabuti nang paglaanan ko na lang ng pansin kung paano ko ito masisira. Kung wala kang shredding machine o simpleng ayaw na magdagdag sa polusyon sa hangin, pwede mong punitin na lamang ito bago tuluyang itapon.
Kaya bago ka pa man o ang mga kaibigan mo mag-post ng isang “mandatory passport shot” niyo sa social media, alalahanin niyo muna ang mga nabanggit dito sa article.
Isinalin galing sa (translated from): Why You Should Never Post Photos of Your Boarding Pass on Social Media
Published at
Get our weekly tips and travel news!
When 11 days in Japan still aren’t enough!
Check out our downloadable cheat sheet!
Have you ever tried exceeding beyond your travel budget?
Ready to take your Southeast Asian trip to a new level? How about travelling for a month through five countries?
Inclusive of food, accommodation AND tours!
We're talking about billion peso projects!
Two wheels? Make it four!
A trip down under!
Will this revolutionize your Boracay visit?
Book your next vacation!