24 Na Masayang Gawin sa Unang Pagbisita Mo sa Seoul

Ang Seoul ay isang siyudad na punong-puno ng masasarap na putahe, nakakalibang na atraksyon, at hindi malilimutang pamilihan. Hindi mabilang ang dami ng pwede mong gawin dito, at maraming kakaibang karanasan ang naghihintay sayo sa bawat sulok.

Kung papunta ka ng Seoul sa unang pagkakataon, ihanda mo na ang sarili para sa isang pambihirang bakasyon — katulad ng naranasan ko kamakailan lang. Hindi mo alam kung saan magsisimula? Kumpletuhin ang listahang ito na may 24 na bagay na magagawa mo sa Seoul sa iyong unang pagbisita.

1. Maglibot sa Bukchon Hanok Village

Ang Bukchon Hanok Village ay isa sa pinakapaborito kong photo spots sa Seoul. Sinasabing naitayo ang ilan sa mga bahay na ito noong Joseon Dynasty, at tunay na may mga taong naninirahan dito. Matatagpuan ang magandang lugar na ito sa kalagitnaan ng Gyeongbok Palace at Changdok Palace. Sa isang mataas na bahagi ng lugar, matatanaw mo ang matatayog na gusali sa malayo.

Direksyon: Anguk Station (Subway Line 3), Exit 2.
Tip: Kumuha ng mapa sa Tourist Information Centre!

2. Mamakyaw ng cosmetics sa

Tila isang paraiso ang para sa lahat ng mahilig sa pagpapaganda. Makikita mo rito ang lahat ng sikat na cosmetic brands gawa sa Korea, tulad na lamang ng Etude House, Tony Moly, at MISSHA. Abangan mo ang mga promong 1+1 (buy one get one free), at huwag kang mahiyang mangalap ng libreng samples. Huwag mong kalimutan basahin ang 10 tips na ito bago mag-shopping sa .

Pag-amin: Nabaliw talaga ako dito!

Direksyon: Myeong-dong Station (Subway Line 4), Exit 5, 6, 7, or 8 / Euljiro Il-ga Station (Subway Line 2), Exit 5.

3. Panoorin ang guard changing ceremony sa

Kapag bibisita sa , huwag kalimutan panoorin ang Royal Guard Changing Ceremony o ang Gwanghwamun Gate Guard-on-Duty Performance. Araw-araw ginaganap ang parehong seremonya kada oras mula 10am hanggang 4pm, maliban na lamang kung Martes.

Direksyon: Station (Subway Line 3), Exit 5 / Gwanghwamun Station (Subway Line 5), Exit 2.

4. Magsuot ng sa

Bago magsimula or matapos ang mga seremonya, maaari kang magsuot ng gatekeeper’s costume sa may Sumunjangcheong Building na matatagpuan lamang sa Gwanghwamun Gate. Wala kang rason para hindi ito gawin dahil libre lamang ito.

5. Buy snacks at

Sa ka makakabili ng lahat ng Korean snacks na pinapangarap mo. Magdala ng malaking bag dahil kakailanganin mo ito para punuin ng MarketO brownies, tteokbokki crackers, Lotte biscuit sticks at kung anu-ano pang Korean snacks.

Gusto mong malaman kung ano-ano ang binili ko doon? Basahin ang aking sinulat tungkol sa dapat mong bilhin sa .

Direksyon papuntang outlet, Seoul Station: Seoul Station (Subway Line 1 and 4), Exit 1.

6. Sumakay ng cable car paakyat ng

Tahanan ng N Seoul Tower, ang ay isa sa dapat bisitahin sa Seoul. Kahit na 237 metres lamang ang taas ng bundok na ito, ang mga taong hindi athletic (gaya ko) ay maaring hindi parin magugustuhang akyatin ito. Buti na lang at may mga cable car na dumidiretso dito. Maaari mong matanaw ang magandang view ng Seoul sa tuktok o maaari mo ring akyatin ang N Seoul Tower’s observatory.

Direksyon: Mula Myeong-dong Station (Subway Line 4), maglakad ng 15 minuto patunong Pacific Hotel, at dumiretso mula doon. Makikita mula dito ang boarding point ng cable car.

Basahin din ito: Budget Travel in Seoul: 12 Tips from First Time Visitors

7. Kumain ng maraming masasarap na street food

Hindi ka magugutom sa Seoul dahil sobrang daming mura at masasarap na street food dito. Ang ilan sa mga dapat mong matikmang street food dito ay ang tteokboki (spicy rice cakes), hotteok (sweet pancakes), kimbap (seaweed rice rolls), at higit sa lahat, chicken skewers!

8. Mag-photoshoot sa

Ang ay sariling container park ng Seoul. Isa ito shopping mall na may maraming tindahan, at pwede rin itong tambayan o kaya naman ay magkaroon ng sariling hipster photoshoot.

Direksyon: Konkuk University Station (Subway Line 2 and Line 7). Exit 6.

9. Mamili sa

Talagang nakakamangha ang underground facilities ng Seoul, at magugulat ka na lamang paglabas mo ng subway, dahil may isang shopping paradise na sosorpresa sa iyo. Ang ilan sa pinakamagandang underground shopping spots sa Seoul ay ang Express Terminal Underground Centre, Gangnam Underground Shopping Centre at Yeongdeungpo Underground Mall. Maglibot sa mga pasikot-sikot na pasilyo at paniguradong makakakuha ka ng mga mura at magagandang bagay.

Basahin din ito: 7 Shopping Places in Seoul You Might Not Know About

10. Makipaglaro sa mga pusa sa

Habang nag-sho-shopping sa , ako ay naakit ng isang cat mascot na puntahan ang isang . Walang akong pinagsisihan — tingnan mo na lang kung gaano ka-cute mga pusang ito. Wala na akong kailangan pang sabihin!

Cat Cafe 고양이놀이터 Cat Playground,

Address: 3F, 37-14, 8-gil, Jung-gu, Seoul, South Korea

11. Mamili ng traditional souvenirs sa

Kung plano mong mamili ng mga tradisyonal na gamit, pumunta ka sa . Ang kalye dito ay isang hilera ng mga pamilihan, gallery, tea house, kainan, at kung anu-ano pa. Subukan mo ring pumasok sa mga iskinita kung saan matatagpuan mo ang iba pang mga nakatagong sorpresa.

Direksyon: Anguk Station (Subway Line 3). Exit 6.

12. Uminom ng tsaa sa mga teahouse

Gusto ko talagang makaranas ng tradisyonal teahouse sa Seoul kaya nagtungo ako sa Chatjip, isang hanok teahouse. Ang isang tasa ng omemade Jujube Tea na natikman ko ay talagang napakasarap. Maraming magagandang tea house sa Seoul kaya kalimutan mo muna ang Starbucks at subukan munang magpaka-tradisyonal.

Address: 33-1, -gil, Jongno-gu, Seoul

13. Subukan ang

Napanuod mo na ba ang mga videos ng mga taong sumubok sa ? Ito na ang tamang pagkakataon upang makiuso ka. Pumunta sa pinakamalapit na convenience store, bumili ng isang cup ng spicy noodles at ihanda ito sa iyong hotel room. Subukan mong kainin ito ng sobrang bilis o kaya naman ay dagdagan pa ito ng chilli powder.

14. Mag-shopping sa Shopping Street

Girls, ang lugar na ito ay malapit sa o Edae ay sikat na paraiso para sa mga mahilig mag-shopping. Sumunod kahit saan ka dalhin ng mga paa mo at mag-shopping katabi ang mga fashionable na Koryana. Mamili ng damit, makeup at sapatos, magpaayos ng buhok sa isang salon, at kapag pagod na, magpahinga sa isang coffee shop sa paligid.

Direksyon: Ewha Womans University Station (Subway Line 2), Exits 2 and 3.

15. Higupin ang sikat na ginseng chicken soup sa

Para matikman ang sikat na ginseng chicken soup o samgyetang ng Seoul, pumunta sa . Marahil may pila kapag tanghalian, pero paniguradong sulit naman ito.

Address: 5, Jahamun-ro 5-gil, Jongno-gu, Seoul
Direksyon: Gyeongbokgung Station (Seoul Subway Line 3), Exit 2. Maglakad ng diretso nang 170 metro bago kumaliwa sa Jahamun-ro 5-gil Road. Makikita ang (   ) 10 metro sa harap sa may kaliwa.

Basahin din ito: How You Can Survive in Seoul for FREE

16. Manood ng isang exhibition sa

Ang (DDP) ay isang bagong atraksyon sa Seoul. Isa rin itong venue para sa mga events, exhibitions, iba pang palabas tungkol sa design industry. Noong nagpunta ako, may “Andy Warhol Live” event dito, kung saan makikita mo ang 400 artworks ng nasabing artist. Sa sunod mong pagbisita sa Seoul, tingnan mo kung may gaganaping event na swak sa iyong interes.

Direksyon: Dongdaemun History & Culture Park Station (Subway Line 2, 4 and 5), Exit 1.

17. Magpanggap na KPOP Star sa

Kung isa kang KPOP fan, magtungo sa para mapalapit sa iyong mga idolo. Hindi ka lamang makakabili ng mga KPOP merchandise dito, makakakita ka rin ng mga exhibit at makakapanood ng live performance. Mararanasan mo ring maging isang artist sa SMTOWN STUDIO, kung saan pwede kang kumuha ng vocal lessons, mag-photo shoot, at gumawa ng music video.

Direksyon: Samseong Station (Subway Line 2), Exit 6.

18. Magtampisaw sa

Mula DDP, lakarin ang , kung saan maaari kang magpahinga mula sa mga nakakapagod na gawain sa siyudad. Tuwing summer, ang mga taga rito ay nagpapahinga sa ilalim ng mga tulay at nagpapalamig ng kanilang paa sa tubig. Maaari mo ring baybayin ang kahabaan nito, na 10.9 kilometro lamang. Sa kahaban ng , may mga malalapit na atraksyon na pwede mong bisitahin.

19. Maglaka-lakad sa

Mula sa , maglakad lamang papuntang , isang traditional market na nagbebenta ng kung anu-ano—mga damit, bag, accessory, cosmetic, tela, gamit sa kusina, ginseng, at kahit tinapay. Talagang sulit ang pagpunta dito dahil sa mababa ang presyo ng mga bilihin.

Direksyon: Hoehyeon Station (Subway Line 4), Exit 5.

20. Mag cafe-hopping sa

Madaling mag-cafe hopping sa Seoul. Magtungo lamang sa at makakakita ka na nga mga magkakatabing cafes. Tikman ang masasarap na tarts sa Deux Cremes at subukan ang iba’t-ibang klase ng green tea deserts sa O’Sulloc Tea House. Kung nasa Seoul ka habang summer, maghanap ka rin dito ng patbingsu (Korean shaved ice dessert). O kaya naman ay pumasok ka sa kahit anong cafe, dahil siguradong masisiyahan ka pa rin.

Direksyon: Sinsa Station (Subway Line 3), Exit 8. Go straight for 250 metres and turn left.

21. Uminom ng isang bote ng

ay isang non-alcoholic na inumin na dapat mong subukan sa Korea. Isa itong carbonated drink na may espesyal na sangkap: gatas! Ang kombinasyon ng soda at gatas ay medyo kakaiba, pero dapat mo pa rin itong subukan.

22. Tikman ang Korean-style braised chicken

Maaaring kong punuin ang listahan na ito ng mga dapat kainin sa Seoul, pero kailangan ko itong limitahan sa isa: (braised chicken of Andong). Anong meron dito? Ang Andong-style chicken ay malambot at madaling kainin, samantalang ang soy bean-based sauce naman ay matamis at malinamnam. Meron din itong patatas, karots, at sibuyas, at may noodles rin na kasama ang putahe. Sarap!

23. Kumain ng ice cream na may 32 sentrimetro na haba

Kapag nakakita ka ng ice cream stand sa , huwag mo lamang itong lampasan! Sa halagang  KRW 2,000 (₱84), makakabili ka na ng 32 cm twist ice cream cone. Kung titikman mo ito sa isang mainit na araw, maghati kayo ng kaibigan mo dahil mabilis itong matunaw.

24. Mag-shopping magdamag sa Dongdaemun

Literal na sa Seoul ka pwedeng mag-shopping hanggang ikay’ makatulog. Bilang isa sa pinakamalaking shopping district sa Seoul, nabubuhay ang Dongdaemun mula 10pm hanggang 5am. May dalawang districts sa Seoul — isa para sa retail shopping at isa para sa wholesale shopping. Ilan sa pinakasikat na malls dito ay ang Doota, Migliore, Hello apM at Good Morning City.

Direksyon: Dongdaemun Stadium Station (Subway Line 2) / Dongdaemun Station (Subway Line 1 and 4)

Bago ka magtungo sa Seoul, i-download mo muna ang Visit Korea app kung saan makakakuha ka ng impormasyon, nabigasyon, trip planning at marami pang iba.

Pagkatapos ng Seoul, sumakay ako sa K-Shuttle upang madiskubre ang iba pang magagandang lugar at probinsya sa Korea, at ilang araw akong namalagi at namasyal sa syudad ng Busan.

Ang mga direksyon na nakasaad dito ay kinuha sa VisitKorea, at ang kahanga-hangang unang byahe ko sa Korea ay naging posible sa tulong ng Korea Tourism Organisation (Singapore Office).

Isinalin galing sa (translated from): 24 Fun Things to Do in Seoul on Your Very First Visit

Published at


About Author

Jane Galvez

Jane is a homebody, but the promise of an adventure of a lifetime inspires her to spend her weekends travelling. When she's not on the road travelling, she's writing about the places she's been to or planning her next exploit at <a href="http://www.janegalvez.com/">Oh My Janey</a>.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles

Latest Articles