8 Habits Ng Travelling Couples Na Nakakainis Na Talaga!

Hindi kasalanan ang mag-mahal. Lalong hindi kasalanan ang mag-travel kasama ang minamahal. So ano nga ba ang ikinakabitter ng madla sa mga travelling couples sa paligid?

Well, kung hindi ka nakakarelate sa aming maraming hinanakit tungkol sa travelling couples, baka itong article na na ito ang makapagbukas sa mga mata niyo. Matapos kong mag-interview ng ilang mga biyahero’t biyahera (single man o hindi), ito ang mga lumabas na pinakakinaiinisan nila sa travelling couples.

Basahin din ito: 10 Dahilan Para Mahalin Ang Babaeng Mahilig Mag-Travel

1. Mga sobra-sobra sa PDA

Alam naman nating naaakit sila sa isa’t isa. Pero bakit kailangan nilang ipangalandakan ‘to sa buong mundo?! Dear travelling couples, mag-holding hands kayo kung gusto niyo, pero keep it PG-13 naman! Kapag nasa public place kayo, isipin niyo ring may mga taong hindi pa handang makakita ng eksenang ginagawa niyo.

Shoutout din sa travelling couples na ang lakas ng loob makipaglandian sa tabi ng ibang tao. Pwede ba? We need our space! Kung may katabi kayo sa eroplano, huwag niyo namang gawing kwarto ‘to! Eh, kung isumbong kaya namin kayo sa MTRCB?

2. Mga wagas kung makapag-picture

Minsan lang mag-travel, kaya sige. Document every moment, beshies. Pero nakakastress yung mga travelling couples na akala mo inarkila na yung pwesto buong araw para sa photo ops! Hello, gusto rin namin mag-picture!

Aba, iyong iba pa riyan ang hilig mag-picture sa hindi naman dapat pinipicturean. Sigeng posing lang sa immigration line. Bawal pong mag-prenup shoot diyan! Maging aware din naman sana ang travelling couples sa mga lugar na hindi na dapat pinipicturan. Kung burial ground o religious spot ‘yan, siguraduhin dapat nating lahat na hindi disrespectful ang pag-poposing natin dito.

3. Mga nagpopost ng sandamakmak na selfies

Speaking of photos, may kilala ba kayong travelling couples na wala nang awa sa newsfeeds natin? Kung puro selfie lang din naman ipopost nila, sana ipakita na rin nila satin yung mga tourist spots na napuntahan nila. Aminin na natin — interesado rin naman tayong makita yung napuntahan nila, diba?

Pakisabi na lang din sa mga kaibigan niyong ganito na mag-invest na sa selfie stick para malawak-lawak naman ang kuha ng kamera. Sayang naman ang pagta-travel nila kung puro mukha lang din ang nagkakasya sa litrato. Pakisamahan naman ng view, please!

Basahin din ito: Pagpopost Ng Travels Sa Social Media: Nagyayabang Ka Ba?

4. Mga mahilig sa holding hands while walking… slowly

Alam niyo yung mga mahilig sa HHWW? Wala namang problema doon eh! Edi magmahalan kayo! Pero pakibilis-bilisan naman ang paglakad niyo lalo na kung makitid yung daan. Pwede naman siguro kayong bumitaw sa isa’t isa kung nasa escalator kayo, diba? Stand on the right, walk on the left. Kailangan pa bang imemorise yan?

May mga tao rin namang nagmamadali. May mga biyaherong malapit nang maiwan ng tour bus. At tama na ang landian sa walkalators ng airport. Kung kami talaga maiwan ng eroplano dahil sa pag-iibigan niyo, isang matinding rant sa Facebook ang aabutin niyo.

5. Mga pa-awa effect sa solo travellers

Tunog bitter man ang iba sa atin, may mga solo travellers pa ring masayang nag-tatravel mag-isa. Sana maglaho na ang mga travelling couples na mahilig ipilit sa atin na mas masarap mag-travel na may kasama. Hindi porque masaya silang mag-jowa, hindi na tayo pwedeng lumigaya on our own. Being single is our choice! Hindi natin kailangan ng awa! Makibaka! Huwag matakot!

6. Mga walang awat na mag-LQ sa publiko

Away pa more! Nakakarindi ang PDA, as in public display of affection; pero nakakarindi rin ang PDA, as in public display of aggression! Oo, normal magkainitan habang nagta-travel, pero huwag naman sanang mandamay ang travelling couples na ‘to. Medyo awkward kaya para sa ating nakakakita sa kanila!

Malamang, tulad namin, napaisip na rin kayo ng kung ano bang dapat niyong gawin tuwing may nakikita kayong nage-LQ nang matindi. Ano, mang-aawat ba tayo? Dededmahin ba dapat natin sila habang nagsasapakan? Manonood na lang ba tayo na tila telenobela ang nangyayari sa harap natin? Ang dami dami na nating iniisip, dadagdag pa ‘to!

7. Mga hindi na namamansin sa ibang tao

KSP na kung KSP, pero usapan natin barkada trip. Bakit ba may mga kabarkada tayong nag-honeymoon na bigla?! Inaya aya pa tayong mag-travel together, iiwanan lang din naman pala tayo. Gumawa na sila ng sarili nilang lakad. O kung kasama man nila tayo, hindi na nila tayo pinapansin!

Sa mga kaibigan naming mag-jowa, please please please treat your third wheels with respect. Hindi masarap sa pakiramdam na parang kaming sabit lang sa romantic getaway niyo. Tropa naman muna, minsan lang eh.

Basahin din ito: 7 Tips Para Maging Mas Masaya ang Pag Third-Wheel Mo

8. Mga makukupad kumilos kapag magkasama

Malamang nakakita na rin kayo ng mga travelling couples na sobrang tagal mag-decide ng oorderin na pagkain. Tapos dinamay pa tayo sa kakuparan nilang mag-desisyon. Hindi na lang umalis muna sa harap ng counter! Kailangan talaga doon sa harap ng pila mag-diskusyon?!

May travelling couples ding nag-away na dahil hindi nila alam kung sinong nagligpit ng passports. Hinold na nila yung pila sa reception habang naghahalungkat ng gamit. Meron ding mga travelling couples na wagas maghintayan sa pila. Akala mo walang nasa likod nila! Stress!

Sana naman matuto na ang mga mag-jowang ito na i-settle muna lahat ng kailangan bago pumila. Marami nang single ang pagod nang maghintay… sa pila. Wag niyo nang dagdagan hirap namin, please.

Basahin din ito: 10 Dahilan Para Mahalin Ang Lalakeng Mahilig Mag-Travel

Sa totoo lang, isa lang naman ang punto ng article na ito: Respeto lang. May jowa ka man o wala habang nagta-travel, magkaroon ka naman ng kaunting konsiderasyon sa mga kasama mo sa biyahe. Nakakagigil na, eh. ‘Di ako galit.

Published at


About Author

TripZilla

TripZilla menginspirasi orang untuk mengeksplorasi dunia melalui panduan, tips dan cerita berlibur dari komunitas para traveller di dalam dan sekitar Asia Tenggara.