Pagpopost Ng Travels Sa Social Media: Nagyayabang Ka Ba?

Millennials. Pangit man o maganda ‘yung reputasyon natin, siguradong lahat ng tao may masasabi tungkol sa millennials. Pero kapag millennial travellers na ang usapan, ibang lebel na ang diskusyon.

Sa kagustuhan nating matuklasan ang mundo, nakilala na tayo bilang experiential travellers. Kaysa magpunta sa mga sikat na tourist spots, mas gusto natin ‘yung mga hindi pa masyadong mainstream at kilala ng mga turista. Sabi rin nila, mas adventurous daw tayo kasi lagi tayong naghahanap ng bagong experience sa lahat ng lugar.

Sa kabila naman, kilala rin ang millennial travellers sa pagiging masyadong dependent sa Internet at social media.

Basahin ito: No Travel Photos: Did You Even Travel At All?

Social media at millennial travellers

Ayon sa research, mataas ang pagdepende ng mga millennial sa Internet tuwing mag-tatravel. Maski sa pagkuha ng travel inspiration, pag-book ng flights, paggawa ng itinerary, o pag-abang ng piso fare, halos nakadikit na tayo sa smartphones natin mula sa pagpaplano ng biyahe hanggang sa pag-tothrowback ng travel photos.

Kaya naman, hindi na nakagugulat na nagpopost ng pictures sa social media ang halos lahat ng millennial tuwing nag-tatravel. Hindi naman dapat ipagbawal ‘yun! Kaya nga tayo tinatawag na “smartphone generation,” eh. Kaso lang, ang daming haters na nagsasabing mayabang daw tayo tuwing nagpopost tayo tungkol sa travels natin. Tutal lagi natin ‘to naririnig, pwede nating isipin kung bakit nga ba sila ganun manghusga.

“Unwritten rules” ng social media

Kung makikinig tayo sa mga tao sa paligid, makaririnig tayo ng maraming argumento tungkol sa pagpopost sa social media. Iyong iba, sinasabi pang may maximum number of travel photos ka lang na pwedeng ipost bago ka matatawag na vain. Sabi naman ng iba, kung gusto mo lang iupdate nanay mo tungkol sa kung nasaan ka na, mag-pm ka na lang sa kanya.

At marami pang ibang rules na inimbento ang mga tao! Corny raw magpost ng picture ng paa, pa-influencer daw ang mga nag-faflat lay, tapos attention-seeker daw ang mga nagpopost ng picture na nakabikini sila. Minsan, mapapaisip ka na lang kung meron ka pa bang pwedeng ipost.

Pakekwento o pagyayabang?

Kung ako tatanungin mo, hindi ko maintindihan bakit may kailangan tayong sundin na standards tungkol sa pagpopost sa social media. Dapat malaya tayo sa kung ano mang editing app ang gusto nating gamitin para mapaganda ang pictures natin. Hindi natin kailangang mahiya na i-enhance ang Instagram feeds natin. Kung gusto naman natin ng buhay na #nofilter, hindi natin kailangan matakot na mahuhusgahan tayo ng followers natin.

Basahin ito: 7 Tips to Improve Your Instagram Travel Grid

Sa totoo lang, medyo mahirap panindigan yung pagpopost para lang makapagkwento sa followers natin. Social creatures tayo, eh. Likas na sa atin maghanap ng papuri mula sa iba, at maniwala ka sa hindi, okay lang ‘yun. Wag kang mag-alala, normal ka. Lahat tayo takot ma-OP, kaya naman hindi nakakagulat na gugustuhin nating lahat ipakita ang best selves natin kapag nagpopost tayo sa Internet.

Balik tayo sa real world, kung saan madali lang maunawaan kung anong nararamdaman ng mga tao tuwing nagkekwento tayo. Kapag kaharap natin ang kakwentuhan natin, malalaman natin kaagad sa pamamagitan ng facial expressions nila kung bored na ba sila o naiinggit sa mga kwento natin. Kaya naman, mas madaling tumigil magkwento kung nakakasakit na tayo.

Kapag Internet ang usapan, nakalilito na tantsyahin kung paano ang dapat na galaw. Imbes na maipakita natin yung tunay nating emosyon, emoji na lang ‘yung nasesend natin. Mga opinyon natin, nagiging monotonous na komento na lang. Sa social media, mas mahirap na para sa atin malaman kung nagtutunog mayabang na tayo. Kaya naman, hindi na natin alam kung inspiring pa ba tayo o nakakainis na.

Basahin ito: Who Are Those Travel Photos For, Really?

Pag-isipan lahat ng posts

Sabi nga nila, double-edged sword ang social media, at hindi lang social media influencers ang may kapangyarihang mangimpluwensiya ng mga tao. Amplifying medium ang social media, at kaya nitong palungkutin tayo sa parehong paraan na kaya nito tayong pasayahin. Dahil alam na natin ‘to, pwede nating piliing maging inspirasyon sa social media para sa ibang millennials.

Imbes na gumawa ako ng isa na namang listahan ng mga bawal at pwedeng gawin sa social media, ibabahagi ko na lang ang isang nakasanayan kong gawain bilang isang millennial traveller. Simple lang! Bago ako magpost ng picture sa social media, tinatanong ko muna sarili ko: Nagyayabang ba ako o gusto ko talagang ikwento ‘tong experience na ‘to? May gusto ba akong mainggit sa post ko? Kung ako ang makakita nito sa feed ko, matutuwa ba ako?

Basahin ito: Tama Na Yan: Ito Ang Paraan Para Iwasan Ang Travel Envy

Hindi naman natin kailangang pasayahin lahat ng tao. Pero, pwede nating hangarin na maging best version tayo ng sarili natin — at, kasama na rito ang pagiging mabuti at marespeto sa social media. At saka, hindi lang naman aesthetics ang nagpapaganda ng social media accounts natin, eh. Mas mahalaga pa rin ang intensyon natin sa likod ng bawat post. Kapag alam natin kung nasa tamang lugar ang kalooban natin o hindi, madali na lang malaman kung Instagram-worthy  nga ba ang bawat picture na inuupload natin. Pareho lang ito sa sinabi sa Bambi: kung wala kang mashare na maganda, ‘wag ka na lang magpost sa social media.

Isinalin galing sa (translated from): Posting About Your Travels on Social Media: Are You Bragging?


Featured image credit: Snappy Cactus via Canva Pro

Published at


About Author

Danielle Uy

Author at TripZilla

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles