10 Nakatatawang Ginagawa ng mga Biyaherong Pinoy

Kakaiba talaga ang mga biyaherong Pinoy. Masisiyahin. Mapaparaan. Malilikhain. At dahil alam nating pribilehiyo ang pag-tatravel, talagang sinusulit natin ang bawat biyahe. In other words, wais tayo. Minsan, wais to the point na nakakatawa na.

Basahin din ito: 7 Pinoy Travel Habits na HINDI mo Dapat Ikahiya

1. Lahat binibilhan ng pasalubong

Magrereklamo tayong wala tayong pera. Nagiging kuripot na tayo para lang makaipon. Pero kapag oras na ng pasalubong shopping, hindi natin mapigilang gumastos! Kahit na ilang beses nating ipangakong magtitipid na tayo, talagang napabibili tayo ng pasalubong para sa mga mahal natin sa buhay. Tapos, mas enjoy pa tayo kapag natatawaran natin yung mga bagay!

2. Palaging naghahanap ng kanin

Rice is life! Hinahalo natin ang kanin sa lahat — kahit sa patatas, fries, at noodles. Carbs on carbs, so what? Hindi talaga tayo nabubusog hangga’t walang kanin, eh. Kaya tuwing lumilibot tayo sa mga bansa sa kanluran, ang unang agenda natin palagi ay ang paghahanap ng restaurant na naghahain ng kanin. Jollibee, please!

Basahin din ito: Bakit Hindi Mo Dapat Ikahiyang Kumain Ng Fast Food Abroad

3. Sobrang agang dumadating sa airport

Dahil sa mabigat na daloy ng trapiko sa Pilipinas, napipilitan tayong mga biyaherong Pinoy umalis ng sobrang aga tuwing papunta tayong airport. Kaysa naman maiwan tayo ng eroplano, diba? Yung nakakatawa rito, kapag usapang “Filipino time”, lagi tayong late. Pero kapag airport ang destinasyon, OA naman tayo sa aga.

4. Overpacking “just-in-case” items

Ang mga biyaherong Pinoy ay parang si Dora. Lahat na lang ng pwedeng kailanganin, nasa backpack o bagahe! Aba, may mga extra pa! Takot na takot tayo sa emergencies, kaya mas gugustuhin pa nating magdala ng mabibigat na bag.

Basahin din ito: Overpacking Woes: 6 Struggles of a Traveller Who Can Never Pack Light

5. Pagsusuot ng winter gear sa airport

Mahilig nga tayong mag-impake ng mabigat, pero takot na takot din tayo sa excess baggage! Kaya naman para maiwasan sumobra sa timbang ang mga bagahe natin, sinusuot na natin mga makakapal nating jackets at matataas nating botas sa airport. Akala mo nag-snow sa Pilipinas.

6. Inuuwi lahat ng hotel freebies

Kung makakuha ng hotel freebies, akala mo walang mga shampoo at sabon sa bahay ang mga biyaherong Pinoy. Kahit na hindi naman hiyang mga buhok natin sa shampoo ng hotel, inuuwi pa rin natin. “Souvenir” daw. Tapos, hindi rin naman natin sila binubuksan. Tamang pang-display lang sa banyo!

7. Nag-phophoto ops sa lahat ng lugar

Tawanan man tayo ng ibang turista, wala silang magagawa kung mahilig tayong kumuha ng selfie. Nakakakilig kayang i-share sa mga mahal natin sa buhay yung mga lugar na nadadayo natin!

May pagka-sentimental din kasi ang mga biyaherong Pinoy. Gustong gusto nating naisasama ang mga mahal natin sa buhay sa kung nasaan man tayo. At kung Facebook lang natin magagawa ito, why not, diba? Yung iba nga sa atin, talagang naka-video call pa sa mga kamag-anak habang nasa tour!

8. Tinatawanan ang mga signages

May pagkamababaw din ang kaligayahan natin, ano? Kung anu-ano na lang ang mga pinagtatawanan natin. Kapag may nakita tayong signage ng banyaga, tuwang tuwa tayo. Lalo na kung may katunog na Filipino word! Magpapa-picture pa tayo sa mga signages na ‘to.

9. Laging kinakalkula ang presyo ng bagay sa peso

Alam ng mga travellers na hindi dapat nag-coconvert ng foreign money sa local currency. Pero kahit alam nating mga biyaherong Pinoy ‘to, hindi pa rin natin susundin ang payong ito.

Hindi ko alam kung kuripot lang ba tayo o hindi lang talaga tayo sanay sa ibang kuwalta. Isa lang ang sigurado ko: Mas komportable tayong gumastos pag alam natin kung magkano ang binibili natin sa peso. Eh, bakit ka nga naman gagastos sa bagay kung alam mo ang presyong Divisoria, diba?

10. Nag-tetakeout sa buffet

Wala nang mas magpapaligaya sa biyaherong Pinoy kaysa sa libreng pagkain. Dahil wais tayo, sinisigurado nating sulit ang bawat barya natin. Kaya naman kung may complimentary breakfast buffet ang isang hotel, nag-tetakeout talaga tayo ng pang-meryenda! Binabalot natin yung mga cookies at sandwich. Tina-tupperware natin yung mga prutas at tinapay.

Basahin din ito: The Worst Filipino Habits Every Traveller Should Get Rid Of

Nakarerelate ka ba sa mga ito? Ano ang mga nakatatawang habits ang meron ka?


Isinalin galing sa (translated from): 10 Funny Habits Pinoy Travellers Can’t Let Go Of 

Published at


About Author

Danielle Uy

Author at TripZilla