Our favourite places to stay on this sleepy Cebu island.
Hindi ba’t ang isa sa pinaka-exciting na parte ng pagkakaroon ng jowa ay ang pagkakaroon ng pwedng kaladkarin kahit saan? Bukod sa mga nakasanayang date night, food trip, o pagpasyal sa mga mall, ang pagta-travel ay isang magandang karanasan na makakapagpalapit sa inyong dalawa. First time mo bang magplano ng out-of-town trip with the jowa? Sundin ang mga tips namin para tumaas ang pagkakataong matuloy at maapruba ng mga magulang niyo ang biyahe niyo!
Also read: 10 Nakatatawang Ginagawa ng mga Biyaherong Pinoy
Ika nila: Masmadaling mag-sorry kesa mag-paalam. Kidding aside, kahit alam mong strikto ang mga magulang mo, mahalaga pa ring mag-paalam bilang pag-galang sa kanila. Sa paghingi mo ng permiso, ipinapakita mo rin ang pagiging responsable mo sa mga desisyong gagawin mo habang naglalakbay. Bukod dito, ito ay para masigurado nilang iingatan mo ang iyong kaligtasan sa lugar ng iyong patutunguhan. Wala namang mawawala sa’yo kapag sinubukang mong magpaalam! (Bukod nga lang sa lahat ng travel plans niyo ng jowa mo, diba?)
Unang-una sa lahat, maging mapagkumbaba at magpakatatag sa iyong pakikipag-usap sa iyong mga magulang. Mahalaga ang pagpapakita ng respeto at sinseridad para alam nilang seryoso ka sa mga plano mo. Ibig sabihin nito, dapat handa ka ring makinig sa kanilang saloobin, payo, at desisyon.
Also read: 8 Habits Ng Travelling Couples Na Nakakainis Na Talaga!
Ano nga ba ang tamang pagpalam sa magulang para sa unang biyahe niyo ng jowa mo? Simple lang yan! Isipin mo na lang na parang immigration officer yung mga magulang mo. Bago kayo payagan, kailangan mo munang ipaalam kung saan at kailan kayo babiyahe, ano ang pakay niyo rito, at iba pang mga kongkretong detalye ukol sa trip niyo. Malinaw dapat yan. Kung hindi, edi baka malabo yang out-of-town trip with your jowa!
Bukod sa sarili mong contact details na malamang sa malamang alam na ng strict parents mo, ibahagi mo rin sa kanila yung contact information ng jowa mo: mobile number, social media accounts, date of birth, place of birth, permanent address, biling address… ay, sumobra yata! Gayon pa man, mahalagang malaman nila ang mga detalye na ito kung sakaling hindi ka nila ma-contract o kung may mga emergencies. Syempre, gusto mo rin namang mabawasan kahit papaano ang pag-aalala nila sa’yo. (Spoiler alert: Hindi yun mangyayari hangga’t sa pag-uwi mo.)
Kung mayroon mang aspeto ng travel plans niyo na hindi gaanong kumportable ang mga magulang mo, maging bukas sa kompromiso. I-consider mo ang kanilang mga payo at mungkahi, nang sa gayon ay makahanap kayo ng solusyon na sang-ayon ang lahat. Tutal, maaari naman talagang magbago ang mga plano kahit sa mismong out-of-town trip niyo ng jowa mo.
Also read: Couples Who Fell in Love While Travelling
Siguro lahat naman tayo dito ay dumadaan muna sa pagpaalam sa magulang, kahit nga kung minsan ay sa kabilang kanto ka lang pupunta. Ngunit, sa iyong paghingi ng permiso para sa out-of-town trip with your jowa, higit pang masmahalagang pagpakita ng paggalang, pagkakaintindi, at pagiging responsable. Kung sakaling hindi ka pa rin payagan matapos subukan ang mga tips namin, pwes, sa susunod na lang ulit!
May mga tips ka bang gustong i-share sa ibang biyahero? Ibahagi mo sa aming official Facebook page. Good luck at ingat lagi!
Published at
Get our weekly tips and travel news!
Our favourite places to stay on this sleepy Cebu island.
The promise of new flavours beckons from Banawe.
The only plastic we need for travel.
Coffee date on the mountains, anyone?
Spread the good word!
Heads up if you're planning to migrate!
No need to visit their Pasig City branch!
ETA is now required for several Asian countries and Australia.
Discover more of Japan!
Plan for the holidays!