Our favourite places to stay on this sleepy Cebu island.
Usung-uso ngayon ang mga barkada trip dahil sabi nila, “the more, the merrier.” Dahil diyan, maraming nabuong mga iba-ibang klase ng . Bilangin mo na kung anong squad ka miyembro, malamang hindi lang sa iisa. O, walang pikon ha?
Also read: Ganito Sana Tayo (Travel Edition)
Matagal nang umuso itong mga tipong barkada pero ngayon lang nabigyan ng label. Kung kayo ang barkadang laging maraming plano ngunit parati ding napapako, oo, drawing squad nga kayo. Puro lang kayo, “Tara!” o “Bes, punta tayo sa…” o kaya nama’y “Hoy, wala nang atrasan ha!” Pwe!
Kung ang mga lakad niyo ay yung tipong hindi pinagpaplanuhan, dito kayo bagsak. Kabaliktaran ng drawing squad ang mga dakilang kaladkarin. Kayo yung mga taong walang pinipiling oras, lugar, o sitwasyon. Kapag sinabing alis, ALIS! Kayo yung tipong madaling kausap at walang arte.
“Wala akong pera!” Yan ang lagi niyong linya pero lagi pa rin naman kayong natutuloy sa lakad. Yun nga lang, tiis-tiis kayo sa biskwit, de latang pagkain, at cowboy style camping. Pero kahit na wala kayong mga pera, masaya pa rin dahil magkakasama.
Kayo naman ang kabaliktaran ng poorita squad. Aminin niyo man o hindi, kabilang kayo dito kung hindi niyo matiis ang maghotel kasi ayaw niyo magtent, kung lagi kayo sa mamahaling restorant kumakain, o kung may yate kayo o private jetplane. Edi kayo na mga Rich Kids!
Kung mala I’m Drunk, I Love You and peg ninyo, pasok na kayo sa walwal squad! Oo! Kayo yung mga tipong sa lahat ng lakad, hindi mawawala ang shot. At hindi lang basta shot, shot at shot at marami pang shot! Walang matutulog kapag hindi pa nauubos ang inumin!
Also read: 10 Hottest Summer Destinations in the Philippines for Your Next Barkada Trip
Kayo ang squad na ubod nang arte pagdating sa pananamit at minsan, hindi na akma sa sitwasyon. Yung tipong naka-heels pero aakyat ng bukid o kaya ay nasa beach. Hindi naman sa nilalahat kayo. May iba lang talagang tao na mahilig mag-OOTD at kailangan perpekto ang suot para sa litrato.
Kayo ang squad na wala nang ginawa kundi magpicture na parang bumyahe lang kayo para sa photoshoot. Kumpleto pa kayo sa kagamitan: action camera, SLR, selfie stick, at minsan may drone pa! Kayo din ang mga eksperto sa editing gamit ang Snapseed, Lightroom, at Instagram. O, upload na yan!
Stressed ba kayo o talagang tamad lang? Tulog squad kayo dahil wala kayong pinipiling oras at pwesto para matulog. Beach? Tulog. Camping sa bukid? Tulog. Kayo yung mga tipong bumabawi sa napakagulong buhay may trabaho o sadyang ayaw niyo lang talaga gumalaw.
Bawal sumama ang may jowa! Oo, narinig mo nang tama! Kayo ang squad na kinabibilangan ng mga NBSB, pinaasa, nagpaasa, iniwan, nasaktan, at kung anu-ano pa. Sinu-sino pa ba ang magdadamayan kung hindi ang mga sawi?
Also read: Travelling With Friends: A Survival Guide
Sa aling squad ka nabibilang?
Published at
Get our weekly tips and travel news!
Our favourite places to stay on this sleepy Cebu island.
Coffee date on the mountains, anyone?
Los Angeles is more than Hollywood stars. From hikes with killer views to beaches straight out of a rom-com, here are 10 must-do LA experiences for Filipino travellers or any wanderers in general!
Spread the good word!
From Pikachu snacks to Totoro cream puffs, here are 10 themed cafes in Japan that prove café hopping should be part of your travel itinerary.
Here are 7 must-try dishes that prove why Iloilo is the Philippines’ only UNESCO City of Gastronomy. From batchoy to oysters, this city is a legit foodie paradise.
Relocation perks abroad
After 20 years, NAIA is raising its terminal fees starting Sept 14, 2025. International flights will cost ₱950 and domestic ₱390. Here’s what Filipino travellers need to know.
Extra cost for US visa applications
From luxury hotels to budget Airbnbs, here are the best places to stay in Vietnam with photogenic views.