Our favourite places to stay on this sleepy Cebu island.
Ang iyong Philippine passport ay ang pinakamahalagang internasyonal na dokumento na pagmamay-ari mo at isa sa mga pinaka-maaasahang government-issued IDs na maaari mong magamit anumang oras. May kamahalan at minsan pa’y nakaka-hassle rin ang pag-apply nito. Kaya naman importanteng mas pagtuunan mo ito ng pansin kaysa sa karamihan sa iyong mga dalang kagamitan sa biyahe. Narito ang mga hinding-hindi mo pwedeng gawin sa iyong Philippine passport!
Basahin rin: Ano nga ba ang Kwento sa Likod ng Kulay ng mga Passport Natin?
Bakit ka nga naman magsisinungaling pa para lang makakuha ng passport? Kagaya sa ibang mga opisyal na dokumento, hindi kailanman magandang ideya ang maglagay ng maling detalye sa pag-apply ng iyong Philippine passport. Ipinagbabawal ito ng Philippine law at mayroong naghihintay na parusa sa sinumang mahuling gumawa nito.
Pagkatapos ng iyong Philippine passport application, mayroong ka hanggang anim na buwan para kunin o ipa-deliver ito. Kapag hindi mo ito nagawa, awtomatikong makakansela ang iyong dokumento ayon sa Department Order No. 37-03. Sayang naman ang paghahanda mo ng mga papeles, ang pag-apply at ang pagbayad sa passport fee na humahalagang ₱950 kung hindi mo rin naman makukuha ang iyong passport pagkatapos ng lahat, hindi ba?
Ituring mo na lang ang iyong passport kagaya ng pagturing mo sa iba pang laman ng iyong carry-on — credit card, pera o mga damit. Kapag nawala mo ito, maaari kang magpasa ng ulat sa Consular Records Division ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung ikaw ay nasa Pilipinas. Pwede mo rin ito ipagpaalam sa pinakamalapit na Philippine consulate o embassy kung ikaw ay nasa labas ng bansa. Kabilang sa mga dokumentong kailangan mong ihanda ay ang Affidavit of Loss at Police Report kung ang iyong nawalang passport ay may natitira pang validity, at sa ilang pagkakataon, mga photocopy ng una at huling mga pahina nito.
Isa pang ipinagbabawal na gawin sa iyong Philippine passport ay ang sirain ito sa pamamagitan ng pagbasa, pagpunit, pagbutas at pagsulat ng kung ano-ano. Kapag nangyari ito, ang passport mo ay agad na magiging invalid. Kailangan mong i-renew ang iyong dokumento at sundin ang parehong proseso na pinagdaanan mo bilang first-time applicant. Maghahanda ka rin ng notarised Affidavit of Mutilation at mga photocopy ng una at huling pahina ng iyong passport.
Isa sa mga pinagdadaanan ng mga frequent travellers ay ang mabilis na pagkapuno ng passport. Itong dokumento ay mayroon lamang ng 44 na pahina, at kapag nagamit na ito bago pa ang expiration date, kailangan na itong i-renew. Sa anumang kaso, hindi nagbibigay ng karagdagang pahina ang DFA o nagpapahintulot sa iba sa labas ng departamento na gawin ito. Maaari ka pang magkaroon ng penalties kung ito’y mangyari!
Sa oras na magre-renew ka ng iyong Philippine passport, mamaalam ka rin sa mga visa at stamp na naipon mo rito. Gayunpaman, maaari mo pa rin silang magamit sa mga parating na visa application mo bilang patunay sa iyong travel history. Huwag subukang ilipat mag-isa ang mga visa at stamp sa iyong bagong passport dahil pinagbabawal ito ng DFA! Siguraduhing huwag ring mag-pasta o mag-staple ng kahit ano sa harap ng iyong passport na maaaring makaapekto sa eletronic chip rito, pati na ng mga accessory sa loob ng dokumento.
Isa sa mga madalas na modus ng mga Overseas Filipino Workers (OFW), ang paggamit sa passport bilang isang collateral ay parehong mapanganib at ilegal. Maraming kaso na ang naidokumento kung saan tinatrato ng OFWs ang kanilang passports bilang sariling pag-aari imbes na pag-aari ng gobyerno. Kapag nahuling ginagamit ang iyong Philippine passport sa mga loan transactions, ikakansela agad ang iyong dokumento at maaaring maapektuhan nito ang iyong mga susunod na application.
Kahit pa hindi tuluyang nage-expire ang iyong Philippine passport, mayroong nakatakdang oras na kung saan nawawalan na ito ng bisa. Naalala mo ba ang huling pag-book mo ng flight o pag-apply ng visa? Malinaw na sinasabi rito na mayroon dapat at least six months na tirang validity ang iyong passport para matuloy mo ang anumang biyaheng pinaplano mo!
Basahin rin: Bakit Hindi Ka Dapat Mag-Post ng Boarding Pass sa Social Media
Ngayong alam mo na kung gaano kaselan ang iyong Philippine passport, alagaan mo ito nang mabuti para maiwasan mangyari ang mga nabanggit. Isa lamang sa mga ito at kanselado na agad ang iyong mga plano!
Isinalin galing sa (translated from): 8 Things You Should NEVER Do To Your Philippine Passport
Published at
Get our weekly tips and travel news!
Our favourite places to stay on this sleepy Cebu island.
The promise of new flavours beckons from Banawe.
Coffee date on the mountains, anyone?
Spread the good word!
Looking for a weekend bonding with the family under ₱500? Head to these places, pronto!
Two wheels? Make it four!
A trip down under!
Will this revolutionize your Boracay visit?
Book your next vacation!
Tagalog taking over Yale!