10 Dahilan Para Mahalin Ang Babaeng Mahilig Mag-Travel

Sa nakaraan, may naisulat na kami na tumatalakay ng mga dahilan para mahalin ang lalakeng mahilig mag-travel. Ngayon, panahon na para maibahagi ang mga rason kung bakit dapat magmahal ng babaeng mahilig din mag-travel! Alam namin na marami pang mga dahilan upang mahalin ang iyong girlfriend bukod sa pagiging traveller niya. Pero para sa mga taong gustong masulyapan kung paano makasama ang isang biyahera, basahin niyo ‘to.

Basahin din ito: 10 Dahilan Para Mahalin ang Lalakeng Mahilig Mag-Travel

1. Parating mabisa ang mga second opinions niya (halos)

Kung naglalakbay ang girlfriend mo, siguradong sinasaliksik din niya ang iba’t ibang destinasyon, kainan, tourist attractions, at iba pa. Tuwing hindi mo na alam kung alin dapat ang pupuntahan mo, ang input niya ay magiging napakahalaga. Alam niya kasi ang kagustuhan ninyong dalawa, kaya madali na para sa kanya na tukuyin ang pinakamagandang tourist spot na pareho ninyong magugustuhan.

2. Nagtitipid ka ba? Siya ang bahala sa budget!

Maraming biyaherang nagsisimula bilang budgetarian. Kaya nama’y maaasikaso ng girlfriend mo ang hangganan ng inyong gastos abot sa huli niyong piso. Tutulungan ka niyang alalahanin kung magkano na ang gastos niyo at kung magkano pa ang pwede niyong gastusin. Hindi ka na bibili ng mga walang halagang bagay kasi may nagbabantay na sa iyo (‘buti nalang).

3. Ang dami niyong mapapag-usapan tungkol sa mundo

Totoo na ‘di naman kailangan mag-travel para maraming mapag-usapan, pero nakakatulong ang travel sa pagsaksi ng ibang kultura at paniniwala. Kaya nama’y kung naka-ipon na ng kaalaman at karanasan ang kasintahan mo, mas nabubuo at lumalawak ang kaisipan niya. Mas madali rin para sa kanya na makibahagi sa ano mang usapan. Malakas na nga ang loob, matalas pa ang isipan!

4. Mas independent pala siya sa inaakala mo

Hindi lang pera, oras at lakas ang kinakailangan sa paglakbay. Kailangan din ng tapang. Kailangan ito dahil minsan mapipilitan kang mapag-isa sa iyong mga travels. At maski kung may kasama ka, hindi mo maiiwasan na makisalamuha sa ibang tao na napakaiba sa iyo, lalo na sa bagong bansa. Mapipilitan ka maging mas independent. Kung makahanap ka ng babaeng naranasan na lahat ito, magugulat ka na lang sa matingkad niyang personalidad kapag magkasabay na kayo mag-travel.  

5. Walang oras na boring

Maghanda ka sa napakaraming moods ng iyong girlfriend. Katuwaan, kalungkutan, kakulitan man yan, siguradong dagdag lahat iyan sa nakakalokang travel kasama ni gf (nakakaloka, pero masaya)!

Basahin din ito: Going On The First Date: 8 Places In Manila To Break The Ice

6. May third-eye siya pagdating sa mga gamit niyo

Hindi man siya praning sa maraming bagay, sa usapang bag, cellphone, wallet, passport, at iba pang gamit, isa siyang matanglawin! Kung burara ka, swerte ka na kung may biyahera kang girlfriend na bantay sarado sa inyong kagamitan.

7. Hindi siya mapili sa pagkain

Sa totoo lang, hindi kailangan mag-travel para malasahan ang pagkain ng ibang bansa. Kaya malamang marami nang sinubukang international dishes si gf dito palang sa sarili niyang siyudad. ‘Wag ka na mag alala kung magiging mapili pa siya sa pagkain tuwing sasabak kayo sa food trip. Kahit ano naman talaga, kakayanin niyang kainin.

8. Kaya niyang makibagay sa iba’t ibang pandama ng katatawanan

Kapag napapaligiran ng mga mula sa ibang kultura at etniko, nagiging mas maunawain at mapagpasensya ang isang tao. Kahit birong Pilipino, Hapon, Amerikano o Ingles, sisikapin ng kasintahan mo makisama at makipagbiro sa tulad na paraan. Kung kaya, mas madali rin makipag-usap sa kanya dahil hindi siya pikon (sana).

9. Kaya niyang remedyohan ano mang problema niyo sa biyahe

Naguguluhan ka na ba sa tickets, accommodations at packaged tour? ‘Wag ka nang mag-alala kasi kalmado ang isang babaeng bihasa sa pag-travel at matutulungan ka niyang ayusin ano mang problema. Marahil naranasan niya na mismo ang problemang ganyan o baka nama’y marami na siyang nabasa kung saan siya natutong maghanda sa mga sinabing sitwasyon. At kung hindi niya pa nararanasan, mabilis niyang makukuha ang proseso para sa mga hinaharap niyong mga travels.

10. Kitang-kita ang husay niya sa pamamahala

Sa pagplano pa lang ng itinerary, budget, hotel, hanggang sa pagsunod sa schedule, mahahalata mo agad ang kakayahan ng girlfriend mo na mamuno tuwing bumabiyahe kayo. Kung hindi man kayo bumabiyahe, nakikita pa rin ang magaganda niyang katangian sa mga araw-araw na gawain tulad sa pagpili ng murang kainan o sa pagpapaalala ng oras tuwing may hinahabol kayong sine. Lahat ito’y simple ngunit mahahalagang katangian na makakaapekto sa buhay mo sa magandang paraan.

Marami pa kaming gustong isama sa listahang ito, pero nauunawaan niyo na rin naman ang gusto naming iparating. Sana naintindihan niyo rin na hindi lang nagta-travel ang mga babae purkit kaya nila. Katulad sa ibang karanasan, maraming natututunan ang mga biyahera sa pag-travel — tulad ng kung paano maraming matututunan ang kasintahan nila sa kanila.


Isinalin galing sa (translated from): 10 Reasons Why You Should Love A Girl Who Travels

Published at


About Author

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles