Our favourite places to stay on this sleepy Cebu island.
Ibinuhos mo na ang lahat ng pagmamahal mo. Ibinigay mo na ang lahat sa kanya. Inalagaan mo siya bago ang sarili mo… tapos, iniwan ka lang din niya. Masakit! Ngayon, may broken heart ka na naman.
Ano nang gagawin mo, kaibigan? Maglalasing ka na naman? Ibaba mo na ang bote at maawa ka sa atay mo. Kaysa mag-aksaya ka pa ng oras at pera sa alak, ito na lang ang gawin mo: Mag-travel. Sino pa bang makakapagkailang effective ito? Nakita mo naman nang gumana ang pagta-travel sa lahat ng leading lady na nasawi. Ang tanong ngayon ay hindi “Nakalulunas nga ba ng broken heart ang pagta-travel?” Alam na nating “Oo” ang sagot diyan. Ang tanong ay: “Saan nga ba ako magta-travel?” At ito na. Sasagutin na namin iyan para sa’yo.
Basahin din ito: Bakit Solo Travel Ang Pinakamagandang Paraan Para Maka Move On
(Mahalagang paalala: Ang pagta-travel ay nakatutulong gumamot ng broken heart dahil inilalayo ka nito sa mga alala niyo ng ex mo sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng bagong mga alaala. Huwag mag-travel para humanap ng rebound. Bad ‘yun!)
“Where do broken hearts go nga ba talaga, Tita Whitney?” Ayon kay Mace ng That Thing Called Tadhana (2014), sa Sagada. Oo, besh, sa Sagada talaga. Dito mo mararamdaman na hindi lang puso ang nanlalamig, kung hindi pati na rin ang lugar. Ang kaibahan lang ay masarap ang kalamigan ng Sagada. Yayakapin ka nito buong magdamag. Tapos, gigisingin ka niya ng halik ng langit sa Kiltepan Viewpoint. Dito, worth it ang effort mo. Biyahe pa lang, ginhawa na.
Basahin din ito: Restaurants in Sagada: 10 Places to to Eat, Drink, and Chill
Kung mas bet mo naman magpaka-international, kay Liz Gilbert ng Eat Pray Love (2010) ka sumunod. Binaliwala ka? Mag-Bali ka! Mag-pakalunod ka rito sa self-care: magpahilot ka, maligo ka sa flower bath, matuto kang mag-yoga… Humanap ka ng paraan para maibalik mo ang tamang estado ng utak at puso mo. Alagaan mo sarili mo, bestie. Kung hindi niya kayang mahalin ka ng tama, mahalin mo ang sarili mo. You deserve it.
Basahin din ito: How a Virgin Solo Trip to Bali Healed My Broken Heart
Alam mo naman na siguro ang ultimate advice para sa mga brokenhearted: Mag-move on ka na sa sakit, pero huwag mong kalilimutan ang mga aral na natutunan mo sa relasyon niyo. Pero friend, itigil mo na ang kaiisip kung saan ka nagkamali. Hayaan mo munang mag-hilom ang puso mo. Kung hindi ka mapigilan sa kaba-backread ng mga chat niyo, magpunta ka na lang sa Hoi An. Sa ancient towns nila, pwedeng pwede mong balikan ang nakalipas — tutal, hobby mo naman, diba?!
Tandaan mo: Maganda ka. Le-level ka rito sa Pai. Dito mo dalhin ang pag-awra mo bilang marami silang naggagandahang ilog, talon, at batis. Mafa-fall ka sa Mhor Phaeng Waterfall o Pmbok Waterfall. Hahanga ka sa Pai Canyon. Sa The Land Split, malalaman mong hindi lahat ng split, pangit. Ano na? Ilang hugot pa ba ang gusto mo?
Laos na ang ibigan niyo, pero ang passport mo hindi pa? Dalhin mo na ang sarili mo sa Luang Prabang. Sabi nila, ito raw ang lugar na makakapag-solo travel ka ng payapa. Magkape-kape ka sa isa sa mga kapehan na overlooking ang Mekong River. Akyatin mo ang Mt. Phou-Si. Magnilay-nilay ka sa mga templo. Lumafang ka!!! Lahat ng kailangan mo para maka-move on ay nandito na. Kaya i-push mo na.
Basahin din ito: My Laos Travel: Why I Fell In Love With the Land of a Million Elephants
With the wind caressing your face, Batanes will make you feel loved and adored. Makakapag-reflect ka ng tunay habang nandito ka sa tahimik na Batanes. Imbes na magmukmok ka sa kwarto mo, mag-travel ka patungo rito nang masilayan mo ang kagandahan ng kalikasan. Akyatin mo ang mga bundok. Panoorin mo ang karagatan. Pakinggan mo ang mga ibon. Kausapin mo ang mga tao. Napakalaki ng mundo, kaibigan. Hindi ka nag-iisa.
Basahin din ito: This is Why Batanes is Unlike Any Other Place I’ve Been To
Tunay ngang nakatutulong sa sawi ang surfing. Seryoso. Been there, done that. Hindi mo na kailangan lumayo pa para rito. Pumunta ka nang Siargao — Erich Gonzales approves. Habang nasa isla ka, obserbahan mo kung paano umagos ang dagat. Panoorin mo ang mga alon. Tignan mo kung paano sila mabuo, mabasag, at mabuo muli. Syempre, matuto ka ring mag-surf! Ito na siguro ang ultimate sport na magtuturo sa iyo kung paano tumayo nang paulit-ulit matapos mong mahulog at masaktan.
Basahin din ito: Why Surfing is the Best Way to Move On
Kumpara sa ibang bansa sa Timog Silangan, hindi gaanong sikat sa turista ang Myanmar. Kailan lang nang buksan ng bansang ito ang pinto niya para sa mga turista, at makikita mong isa siya sa pinaka-authentic na bansang mabibisita mo. Napakagandang oportunidad dumayo sa Myanmar bilang mabubuksan talaga nito ang iyong mga mata sa ibang kultura. Dito, makalilimot ka ng problema. At, mai-in love ka muli… Hindi sa tao, kung hindi sa lugar.
Narinig mo na ba ang kwento ng babaeng nag-travel papuntang Bhutan at nakahanap ng love life? Pinakasalan niya ang tour guide niya! Syempre, hindi naman iyon ang goal natin. Pero nakakakilig din, diba? Aminin mo. Siguro may something talaga rito sa Bhutan na medyo magical. Alam mo bang ito rin ang bansa na tinaguriang Asia’s Happiest Country?
Sabi nga ni Miley Cyrus, “Ain’t about what’s waiting on the other side… It’s the climb.” Hindi niyo man naabot ng partner mo ang lahat ng pangarap niyo nang magkasama, magpasalamat ka na lang na nakasama mo pa rin siya sa ilang masayang moments niyo together. Alalahanin mo ito habang naglilibot ka sa Annapurna Circuit sa Nepal. Maraming bundok diyan, at hindi lahat ay maaakyat mo. Pero minsan, worth it na iyong makita mo, pangarapin mo, at enjoy-in mo sa moment.
Plus points for Nepal: Napakamurang bansa nito. Hindi mo kailangan ng travel buddy na kahati sa gastos. Strong, independent (wo)man ka rito.
Basahin din ito: I Spent Two Months at the Beach to Cure a Broken Heart & Here’s What I Learned
Magandang paraan ng pag-move on ang pagta-travel. Subukan mong buksan ang puso mo sa iba’t ibang bagay na inaalok ng mundo. Malay mo, mahanap mo rin ang one true love mo — travelling solo.
Published at
Get our weekly tips and travel news!
Our favourite places to stay on this sleepy Cebu island.
Coffee date on the mountains, anyone?
Spread the good word!
Permission to feel like royalty even for a day?!
Looking for a weekend bonding with the family under ₱500? Head to these places, pronto!
This is the future of travel.
Bebinca will be renamed Ferdie.
A symbolic fee is being considered.
New operator takes over NAIA.
Siargao just got closer!